TRN: CHAPTER THREE

64 4 3
                                    

CHAPTER 3 - Locked

"Ang kapal ng mukha talagang pumapasok pa rin pala to"

"Oo nga eh, hindi naman siya bagay sa Prestigious school na ito"

"Consistent friend, Nerd pa rin! HAHA"

Heto nanaman tayo, papasok pa lang ako marami ng bubuyog. Pero sanay nako gaya lang ng dati deadma.

Tuloy tuloy lang ako nag lakad papasok. It's 2nd day of school at alam kong may teachers na ngayon. Sana naman Regular class na agad para hindi boring. Gusto ko sana may ginagawa agad para na rin maka iwas sa mga nambubully.

Hanggang makarating ako sa room puro bulungan pa rin tapos ang sasama ng tingin sakin ng iba. Ipinagkibit balikat ko nalang nga.

"Jen si Aki nasaan?" tanong ko ng makalapit ako sa upuan niya. Tabi tabi kasi kami at malapit na mag time wala pa rin si Aki.

"Hindi ko nga alam doon eh. Kanina pa wala baka naman absent?" alanganing sagot niya.

"Eh? Si Aki aabsent? Haha ano ka ba baka late lang?" hindi naman kasi umaabsent si Aki unless may reason?

Nag kibit balikat lang sakin si Jen. "Ewan hintayin nalang natin" sabi niya saka nagsimula na mag buklat ng libro.

Tumango nalang ako saka nag buklat na rin.

Maya maya pa dumating na ang unang Teacher namin para sa first subject pero wala pa rin si Aki. Baka nga absent.

"Dahil ngayon ang first meeting i want you to introduce yourself first, but with a twist. Name first then your most unforgettable moment. Let's begin" eto pinaka ayaw ko eh. Nakakahiya kasi.

At dahil nasa unahan kami nakaupo at sa harap nag start, mabilis agad ang usad. Pang apat si Jen at pang lima ako.

"Hi i'm Shiana Alford, hmm.. My most unforgettable moment in life is when my Mother Died in a plane crash" malungkot na sabi ni Shiana. Siya kasi yung pinakamaganda saamin. Angelic face. She's our muse at aware ang lahat sa nangyari sa Family niya.

"Sorry to hear that and thank you for sharing" sabi naman ni Ma'am saka ulit nag patuloy. Si Jen na nasa harap.

"H-hello I'm Jennica Vian Cruz, most unforgettable moment siguro yung dinala kami ng Papa ko sa Moa nung bakasyon, ang ganda kasi doon" nakangiting pagpapakilala ni Jen halata ring nahihiya siya.

Bigla namang nagtawanan mga kaklase ko yung iba may mga binubulong bulong pa gaya ng nasa likod namin.

"How cheap, most unforgettable moment na pala ngayon ang MOA classmates. Palibhasa mahirap kaya minsan lang makarating doon! HAHAHA" sigaw niya kaya nag hiayawan din iba naming kaklase.

Grabe talaga itong maldita na to. Nakayuko tuloy na bumalik sa tabi ko si Jen. Sinisipa sipa pa ng nasa likod upuan niya.

"Class! Keep quiet! Hindi magnada yang pinag tatawanan niyo kaklase niyo. Next!" sabi ni Ma'am kahit siya mismo nagpipigil ng tawa. Sigh.

Ako na ang sunod na mag papakilala. Pumwesto na ako sa harap. Marahan ko pang inayos ang glasses ko bago nag salita.

"I-i'm Mikaella Gracia. Sa tingin ko po parating palang yung Most Unforgettable moment ko" yung Debut ko. Nag tatawanan pa rin mga kaklase ko ng maupo ako. Ipinag sa walang bahala ko nalang.

Nagtuloy tuloy ang pag papakilala at nag start na rin ng discussion. Ganon din nangyari sa mga sumunod na Teacher. Puro introduce yourself lang hanggang sa tumunog yung bell hudyat na uwian na.

Sabay kaming nag lakad ni Jen papunta sa Locker. Nag text kanina si Aki na may sakit kaya pala di nakapasok balak namin siyang dalawin ngayon kaya nag mamadali rin kami ni Jen.

Palabas na kami ng Locker room ng mapansin kong biglang namatay ang mga ilaw. Dali dali kaming tumakbo ni Jen sa pinto pero ayaw mabuksan. Ilang beses pa naming inulit pihitin pero ayaw talaga.

"Jen! Tumawag ka sa phone mo. Humingi ka ng tulong sa iba mong kakilala" natataranta kong sabi saka kinalampag ng kinalampag ang pinto.

Dagli naman siyang sumunod. "Tulong!! May tao po ba diyan?! Na-locked po kami dito!" sigaw ko. Baka sakalaing nay mapadaan. 5pm na pa man din ng hapon mag gagabi na kaya mas kinabahan ako. Madilim dito sa loob.

"Ella wala akong load nag expire na pala!" sabi niya. Ay siomai! "Ako nalang nga" sagot ko.

Sinubukan kong tumawag sa bahay puro ring lang. Sana sagutin ni Manang belen!

"TULOOOONG! T-TAO PO! PABUKSAN NAMAN NG PINTO" sinubukan pa rin ni Jen sumigaw at mangalampag. Wala paring sumasaklolo samin.

Sinubukan ko namang tawagan sila Dad pero busy ang line nila. Naupo nalang sa tabi si Jen ganon din ang ginawa ko. Alam kong umiiyak na siya kasi takot siya sa madilim.

"Tahan na Jen. Maya maya lang may tutulong din satin" pag aalo ko sakanya.

Maya maya pa nakaidlip kami pareho nagising lang ako ng marinig ko ang pag click ng pinto. Napatingin ako doon agad.

"Bakit nandito pa kayo mga ineng? Anong ginagawa niyo dito?" nag tatakang tanong ng guard. Naalimpungatan na rin si Jen kaya sabay na kaming tumayo.

"Kuya guard na lock po kami dito eh. Thank you po sa pag tulong" sagot ko. Nag tataka naman siyang nakatingin saamin saka tumango. Mabilis kaming lumabas ni Jen sa locker room. Mabuti nalang nag r-roam ang Guards dito tuwing gabi.

Wait, G-gabi na!

Napatingin ako sa orasan ko at nanlalaki mata ko ng makitang pasado alas otso na. Quarter to 9 na kung tutuusin! Lagot ako kela Mommy.

Hinatid ko ulit sa terminal si Jen kasi nanginginig pa siya. Pag tapos ay nag taxi nako pauwi.

Pag dating ko palang sa bahay alam kong nag kakagulo na ang lahat. Si Mom at Dad may tinatawagan sa phone narinig ko pang pulis ang kausap ni Dad.

Pag pasok ko napukaw naman ang atensyon nila. Sabay na lumapit sakin si Mom at Dad saka ako niyakap ng mahigpit. Halata sa mukha nila ang pag aalala ganon din si manang Belen.

"Anak! San ka ba nanggaling at ngayon ka lang umuwi?! Nag aalala kaming lahat sayo tumawag pa ng pulis ang Daddy mo!" sabi ni Mommy saka ako hinalikan sa noo. Si Dad naman may kausap sa phone tingin ko yung mga pulis na pinapunta ni dad yon.

"S-sorry Mom. Na ano kasi kami ni J-jen.." nag aalangan pako kung sasabihin ko ba yung totoo na nalock kami sa Locker Room. Alam ko naman kasi na sadya yon ata baka pag nalaman ni Mom eh mag Histerya siya.

"What Hope?! Anong nangyari sainyo ni Jen?" baritong tono ni Dad na taong sakin. Napalunok ako ng ilang beses.

"N-nalock po kami sa Locker Room" naka yuko kong sabi. Natahimik naman sila pareho ramdam ko yung titig nila sakin.

"Nalock o Nilock?" tanong ni Mom. Hindi ako nakasagot at mas yumuko pa. Niyakap ako ni Mom ng mahigpit.

"Hindi na pwede to Mike! Masyado nilang inaalipusta ang anak ko sa sarili nating pag mamay ari!" impit na sigaw ni Mom. Napatingin ako kay Dad na naka close fist na.

"Bukas na bukas kakausapin ko ang Principal at ang Dean. Ayoko ng maulit ito" pinal na sabi ni Dad.

Nag aalangan akong tumango. Wala pang 1 week ako sa school mukhang mabubuko na ang tunay kong pagkatao. Wag naman sana. Naipangako naman na sakin nila Mom na sa Debut ako ipapakilala hindi muna ngayon pero hindi daw nila palalagpasin ang nangyari sakin.

Hanggang sa ihatid ako sa kwarto nila Mom hindi natigil ang pag sermon niya at ang pag buntong hininga ko. Mananagot bukas ang may gawa samin non pero kinakabahan ako, sana maging maayos lahat.

----
©ShayleePeriwinkle
1251

The RICH Campus NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon