Till Death Do Us Part

44 2 1
                                    

An Eternal One-Shot Love Story.

Si Vicente at Clara ay tunay nga namang nagmamahalan. Sila ay nagtagal ng 3 taong patagong relasyon dahil sa kadahilanang ayaw ng mga magulang ni Vicente kay Clara. Si Vicente ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig samantalang kasalungat naman nito si Clara. Ngunit sa kabila nito patuloy parin silang nagmamahalan.

Isang araw, mabilis na kumalat sa mga magulang ni Vicente ang balitang magta-tanan na raw ang dalawa. Bunga nito nag siklab ng matinding galit ang ina nito. Pinuntahan ng ina ni Vicente ang bahay nila Clara kasama narin ang ama nito. Pilit na pinag mumukha ng ina nito na isa lamang siyang sagabal sa buhay ni Vicente at sabi rin nito na meron ng mapapangasawa si Vicente at nag tataksil ito kay Clara. At bago umalis ang dalawa nag-iwan ito ng pera dahil alam nila na ito lamang ang habol ni Clara kay Vicente. Ngunit wala sa isipan ng dalaga na nag tataksil ang kaniyang kasintahan, alam niyang matapat ang pag-ibig nito sa kaniya. Sa kabilang banda walang ka alam-alam si Vicente sa mga nangyayari. Hapon na iyon, nag-aya si Clara na mamasyal kasama ang kasintahan sa parke. Nag kukuwentuhan, Tawanan, Kainan, Nag hahabulan at nag lalaro ng bisikleta. Hindi isinasaisip ni Clara ang mga sinabi ng ina ng binata sa kaniya. Gabi na nang naglakad sila pauwi. Si Clara ay nasa likod ni Vicente karga-karga sabay sabing "Vicente, tandaan mo Mahal na mahal kita paghiwalayin man tayo ng kamatayan." Sagot naman ng kasintahan "Clara, paghiwalayin man tayo ng kamatayan hindi ako magsasawang sabihin kung gaano kita ka mahal." Kinabukasan hindi maipinta sa mukha ng binata ang balitang na patay na daw si Clara, mabilis ang mga pangyayari. May nakakita sa bangkay nito sa tabing ilog. Namatay daw ito dahil sa pagkakalunod. Bunga nito iyak ng iyak si Vicente hindi siya kumakain, nananatiling naka tunganga na lamang hanggang sa mailibing na ang bangkay ng dalaga. Dahil sa matinding depresiyon naisipan ng binata ang magpakamatay ngunit nakita ito ni Mara, ang nais ng kaniyang magulang na pakasalan niya. Agad naman siyang pilit na pinigilan nito. Umagang iyon bumangon sa pag ka gising ang binata nakaramdam siya ng matinding bigat sa kaniyang likod. Ganon narin ang mga nangyayari sa mga nakalipas na mga araw. Nag pa konsulta siya sa doktor ngunit ayon sa resulta, wala naman siyang ibang karamdaman. Dahil nito pumunta siya sa albularyo at nalaman niyang may isang kaluluwa na hindi matahimik-himik sa mundong ibabaw. Nagsagawa sila ng mga ritwal at gayon nalamang ang gulat ni Vicente na ang kaluluwang iyon na nasa likuran na karga-karga niya ay si Clara. Hindi nakaramdam ng takot ang binata sa halip ito'y naging masaya dahil nandiyan ang kaniyang kasintahan at may kuryosidad dahil sa mga nangyayari. Pauwi na siya nang bigla niyang nakita na may kausap si Mara na 3 lalaki at nagulat siya kung bakit ang suot na kwentas ng dalaga ay kaparehas ng kwentas na bigay niya nung kaarawan ni Clara. Bigla-bigla nakaramdam siyang may sumasanib sa kaniyang katawan. Hinarap niya si Mara at sabay sabing "Wala kang puso Mara! Tinuring pa naman kitang tunay na kaibigan. Nag utos ka ng 3 lalaki na gumahasa sa akin. Binaboy niyo ako, ginahasa't pinatay. Nagmakaawa ako ngunit nanatili kang manhid. Wala kang puso mag babayad ka." Kinuha nang binata ang nakitang kutsilyo ngunit agad naman niyang napigilan sa totoo niyang sarili. "Clara, walang maidudulot na maganda ang paghihiganti." saad ni Vicente "Vicente, matatanggap ko na ginaganito niya ako pero ang agawin ka niya sa akin ay hindi." ani ni Clara "Hindi kita ipagpapalit kahit kanino man, mahal na mahal kita paghiwalayin man tayo ng kamatayan." Bigla-bigla nahimatay si Vicente. Simula nung araw na iyon hindi na nakaramdam ng matinding bigat ang binata sa kaniyang likuran. Pinuntahan niya ang libingan ni Clara, nagsindi siya ng kandila, nag darasal at nag iwan siya ng paboritong bulaklak ni Clara. Napatawad na ni Vicente si Mara ngunit hindi niya makakalimutan ang ginawa nito. Ngunit wala siyang balita kung nasaan ang babae, bigla na lang ito na lahong parang bula.

Till Death Do Us PartWhere stories live. Discover now