Luha ang pinalit mo sa pagmamahal ko sayo.
Sakit ang dinanas ko dahil sa pangiiwan mo.
Kasinungalingan ang nakamit ko sa pangako mo.
Sarili ko ang binigay ko para sa kasiyahan mo.
Puso ko ang dinurog mo para sa kanya.
Pagmamahal ko ang sinayang mo dahil ikaw ay nasiyahan sa iba.Hindi kita masisi kung yan ang gusto mo.
Wala naman akong magagawa dahil tanging pagmamahal at pagpapakatanga lang ang alam ko.
Hindi kita mapipigilan kung gusto mo na akong sukuan. Wala naman akong kamay na hahawakan dahil bumitaw ka na sa ating nakasanayan.
Hindi na kita mayayakap dahil nanlalamig kana. Wala naman akong magagawa dahil uminit ka na sa iba.
Hindi na kita mahahalikan dahil sa pait ng labi mo. Wala naman akong magagawa dahil nasa iba na ang tamis ng halik mo.
Hindi na lang kita mamahalin dahil sabi mo tama na. Wala naman akong magagawa, ayoko din namang magpakatanga.Hindi na. Hindi na. Hindi nalang talaga.
Hahayaan ko nalang na umiyak ako tuwing gabi, kesa mahalin pa kita puro naman ako pagpapakapighati.
Hindi na. Hindi na. Hindi nalang talaga.
Hahayaan ko nalang na sa panaginip nalang ang dating tayo, Kesa pilitin ko pa, wala namang magbabago.
Hindi na. Hindi na. Hindi na talaga.
Hahayaan ko nalang na ikaw ay sumaya sa iba. Kesa patuloy ko pang marinig sa iba, na sobra na akong tanga.
Hindi na. Hindi na. Hindi na talaga.
Hahayaan ko nalang na ikaw ay lumayo na.
Kesa habulin pa kita, hindi naman kita maabutan, wala naman akong pakpak upang ikaw ay muling mahagkan
Hindi na. Hindi na. Hindi na talaga.
Hahayaan ko nalang na bumitaw kana.
Kesa naman kumapit ka pa, hindi naman ikaw nasasaktan kundi yung ako na tanga.
Hindi na. Hindi na. Hindi na talaga.
Ayoko ng mabigatan kaya patuloy na kitang bibitawan. Ayoko ng mapagod, kaya ikaw ay Hahayaan ko nalang. Ayoko ng magpumilit, dahil imposible pa na ikaw ay bumalik.
Masaya ka na sa bago mo ngayon.
Hahayaan nalang kita.
Ayoko na. Hindi ko na kaya. Pero Aasa pa ba ko na babalik ka? Hindi na.
Hindi na talaga.- Rconpash =)
BINABASA MO ANG
Spoken Words
ПоэзияPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.