Text
Written by: Ashley Olaso
Prologue:
[Di ko naisip na darating pa ang isang tulad mo sa aking pag-iisa...]
Pagkapasok na pagkapasok ko ng simbahan bumungad sa akin ang aming wedding song.
[At ngayon buhay ko ay nagbago ito'y dahil sa'yo...]
Habang naglalakad ako papuntang altar nakita ko ang aking mga magulang at nag iisang kapatid, ang aking mga tita't tito pati na rin ang mga pinsan ko na talaga namang bakas sa kanila ang saya sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay ko.
[At nasabi kong di na iibig pa ngunit di magawa nung nakita ka na...]
At sa dulo ng altar nakita ko na ang lalaking inibig, iniibig at iibigin ko.
[At muli nadama ang pag-ibig sa aking puso'y ikaw lang...]
Nang makarating ako sa harapan agad niyang hinawakan ang aking mga kamay.
"Ang ganda mo ngayon."
Napatawa naman ako ng ibulong niya sakin yun.
Ang saya ko.Ay hindi pala,sobrang saya ko ngayong araw na ito dahil sa lahat ng pinag daanan naming pagsubok eto ako't nasa tabi niya kaharap ang ating Panginoon.
[Ikaw pala ang hanap ko, ang nais ko, ang hinihintay ng puso ko tunay na kung siya ang kapalaran mo darating sa buhay mo...]
"I, April Ambrad, take you, Rachelle Ann Villanueva, to be my friend, my lover, the father of my children and my wife. I will be yours in times of plenty and in times of want, in times of sickness and in times of health, in times of joy and in times of sorrow, in times of failure and in times of triumph. I promise to cherish and respect you, to care and protect you, to comfort and encourage you, and stay with you, for all eternity. "sabi niya nang nakatitig at nakangiti sa akin habang isinusuot sa akin ang aming wedding ring.
"I,Rachelle Ann Villanueva,take you, April Ambrad, to be my friend, my lover, the mother of my children and my husband. I will be yours in times of plenty and in times of want, in times of sickness and in times of health, in times of joy and in times of sorrow, in times of failure and in times of triumph. I promise to cherish and respect you, to care and protect you, to comfort and encourage you, and stay with you, for all eternity."mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya habang isinusuot ko sa kanya ang aming wedding ring.
[Ikaw pala ang langit ng pag-ibig ko binuhay mo ang puso ko sana kailanma'y hindi magbabago...]
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."
Agad niya na man akong hinarap sa kanya at nagtama ang aming mga mata.
Unti- unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko kasabay nito ang pagpikit ng aking mga mata hanggang sa naramdaman ko ang mainit niyang labi sa aking labi.
Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala sa aking isipan kung paano nabuo ang kakaibang love story namin...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nagsimula ang lahat noong 2007.
Nang mag resign ako sa aking trabaho bumuo kami ng mga kaibigan ko ng isang "text clan" na pinangalanan naming "ATC" .Isa ako sa mga officer ng aming clan, to be specific secretary ang napuntang posisyon para sa akin.
Every month nagkakaroon kami ng meeting para na man makilala ang mga bagong members at maidiscuss sa kanila ang dos and don'ts ng aming clan.
Then I saw him...