TOMBOY turns to girl-next-door (kathniel)

2.5K 13 1
                                    

time check 7:00am

KATH'S POV

"GOOD MORNING!" sigaw ko sa loob ng kwarto ko. hehe. ang ganda ng gising ko kasi kumpleto tulog ko. 

"baby baba na! almusal na tayo!" sigaw ni daddy 

"bababa na po!"

DINING ROOM

"good morning daddy!" sabay kiss ko kay daddy

"good morning din baby kaen na at may lakad pa kayo ng mga kuya mo." 

you heard it right "MGA KUYA" i have 4 kuyas. hehe. At syempre ako ang bunso. By the way di pa pala ako nagpapakilala im Kathryn louise Bernardo 18y/o just call me loui. masyado kasing pagirl yung pangalan ko nakakairita! Syempre lumaki kasi ako sa pamilya na puro lalaki 5y/o pa lang kasi ako nung mamatay si mama. si daddy na ang nagpalaki sa amin at never sya nagkulang kahit na busy sa work. 

"goodmorning dad, goodmorning bunso" sabay kiss sa amin ni daddy, sya si kuya zanjo ang pinakamatangkad kong kuya syempre sya yung panganay.

"morning dad, morning so" sabi ni kuya john, ang sumunod kay kuya z kaso parang sya pa ang bunso sa height. hahaha. peace kuya.

"watzup dad, hey bunsoy" si kuya sam naman ang pinakamabait sa lahat. 

"morning everyone!" yan naman si kuya robi ang pinakakalog sa lahat. maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na kambal si kuya sam at si kuya robi pero sobrang opposite nila at di talaga sila magkamuka. 

"oh guys ready na kayo ha, oh bunsoy galingan mo ha para sa susunod di kana manunuod." sabi ni kuya z

"talaga ya maglalaro na din ako?" Masayang sagot ko naman.

"hindi muse ka na namin! wahahaha!" sabi ni kuya john,sabay apir pa nilang 4 

"sige asarin nyo si bunsoy pag yan gumanda ay nako!" pangaasar pa ni daddy

"sige dad asar pa di na ako magbabago ou tomboy ako physically pero babae pa rin ako ha kaya tigilan nyo ako sadyang ayoko ko lang magayos masaya na ako sa itsura ko tapos!" sabi ko sabay tayo at nagsuot ng rubber shoes at lumabas na.

ZANJO's POV

"yan kasi kayo eh asarin nyo pa si bunso. Tara na lambingin natin" sabi ko

ako nga pala si Zanjo Bernardo ang kuya sa lahat at knight in shining armor ni kath ay loui pala. Ewan ko ba di naman boyish dati yan eh kaso nung naghighschool sya bigla na lang sya nagbago.

sabay sabay kame lumabas at nilapitan si kath na nakaupo sa bench. Siniko ko si john para sya magsimula kasi sya naman talaga nangasar.

"bunso sorry na" sabay pout. nakakatawa silang dalawa.

KATH's POV

Nakita ko na sila lumabas at papalapit sa akin, at naita ko rin si kuya z siniko si kuya john.

"bunso sorry na" sabi ni kuya john sabay pout. ang cute lang

"hmm" matipid kong sagot naman. syempre pakipot para magpapabili ako na mga gusto ko. hahaha

"bunso di na mauulit kahit anong hilingin mo ibibigay namin" sabi ni kuya z

"promise lahat?" 

"wag naman mahal ha baka wala na kame pangdate nyan, araaay!" sabi ni kuya robi siniko naman sya ni kuy sam.

"hay anu pa nga ba syempre di ko kayo matitiis! basta ha kahit anung gusto ko at wag nyo na ako aasarin!"

"promise bunso pero bakit ka ba kas......" tanong ni kuya z na pinutol ko 

"eto nanaman ba tayo kuya ayoko na pagusapan please. Tara na kanina pa nagtxt mgagf nyo nasa court na sila."

 ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

bakit nga kaya biglang nagbago si kath into loui? 

ms.A

TOMBOY turns to girl-next-door (kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon