Dear Diary,
Mamimili na ako ngayon ng mga food para sa fieldtrip!!!! Nagpadala narin sila mama ng pera para dun. Ang dami nga e. Yes!! Galante!! Hahaha. Sana magkabati na kami ni James oh!! Asar e.
namili ako sa grocery sa SM ng mga foods para sa fieldtrip. Medyo madami din akong nakitang mga classmates ko. Batian lang. Hello. Hi. Smile. Hehe.
Nung magbabayad na ako, bigla kong nakita si James kasama ang mama niya sa kabilang counter. Bigla akong nagtago. Ayokong pakita. Kasi, kung nagkita kami, paano ko siya babatiin? E, magkagalit kami.
Nung ako na magbabayad, syempre wala ng pagtataguan, nakita ako ng mom niya
"Ui si Gale! Hi Gale"
Ngumiti lang ako. Nung tapos na ako magbayad, tapos narin sila. naglakad ng mabilis yung mom niya papunta saakin
"Gale. May pupuntahan ka pa ba?"
"Wala na po"
nakatingin lang si james saakin. hindi manlang ako ngitian e
"perfect! tara! kain tayo. I know a place na masarap mga foods"
"osige po"
umupo na kami sa upuan ng resto. katabi ko si James at kaharap namin yung mom niya,
"So, anong gusto niyo?"
"Kayo nalang po mamili tita"
"osige." habang namimili yung mom niya tahimik lang kami ni James "oh bakit ang tahimik niyo? ay. sige waiter eto nalang. tatlo niyan"
"sige po ma'am"
"thanks. oh!!! ok lang ba kayong dalawa? james!! kausapin mo si Gale"
"bakit ko kakausapin yung walang tiwala saakin?"
"aahhh!! hula ko. magkaaway kayo noh? tsk tsk tsk. alam niyo. ganyan talaga. may ganyan talaga sa isang relationship. hindi mawawala yan. pero, kung gusto niyo maging strong kayo, kelangan niyo nalang ng 'understanding', 'forgiveness', ganun."
"kaya nga po tita e. muka nga pong walang ganun dito"
parinigan nalang kami ni James
"eh mama, siya po yung unang hindi nagpakita ng understanding at forgiveness"
"pero tita, kung gusto niyong mag karoon din ng forgiveness at understanding yung isa, diba ganun din dapat yung gagawin mo?"
"ahehe--" hindi na makapag salita si tita
"pero mama, sana nauuna siya na magpakita ng ganun diba?"
"pero tita--"
"ep ep ep. shh ano ba kayo? ano bang problema? hindi ko alam sasabihin kung hindi niyo sasabihin saakin yung problema niyo"
"ma. siya kasi e--"
"anong ako? ikaw kaya"
sabay na kaming nagsasalita ni James na hindi na niya kami maintindihan.
hahaha nakakatawa lang tignan. ahahahaha hindi kami maintindihan ng mom niya
bigla niyang tinap yung table
"hoy!!! kayong dalawa. breathe!! inhale. exhale." nakakatuwa mom niya hahaha "ok hindi ko na aalamin yung problema, pero ang best advice ko? forgive and forget. okay? so, let's eat?"
tamang tama andiyan na yung food namin. ang sarap. gutom na ako e.
kumain na kami at tahimik lang kami ni James. Yung mom niya lang yung daldal ng daldal. Ngumingiti lang ako sakanya pero lumilipad yung utak ko
then finally,
"Gale. Ano bang nagustuhan mo kay James?"
"uh... huh?"
"sige sabihin mo"
"basta po"
"hay ikaw nga muna James"
"maa!!! ano nanaman yan?"
"basta"
"ma!!"
"hay titigas ng ulo niyo. pinag aayos ko na nga kayo e"
tapos na kaming kumain at tumayo na kami
"thank you po tita"
"wala yon. you're welcome. ano? uuwi ka na ba?"
"opo. sige po una na po ako"
"sige ingat ka ah? ay. James. why don't you go with her?"
"mom??!!!"
"sige na James. for me?"
"eh kaya naman niya umuwi mag isa e"
"hindi. girlfriend mo siya. treat her like one. magkaaway man kayo o hindi, you should do this"
"fine ma"
"tita hindi na po"
"sige na sige bye have fun"
umalis na yung mom niya. at ihahatid ako ni James.
"ano? tara?"
tanong ni James pero hindi siya nakatingin saakin
"tara!"
tahimik kaming bumyahe ni James. hindi talaga kami naguusap kahit isang word lang. pero siya lahat nagbayad ng pamasahe.
nung nakarating na kami sa bahay
"thanks"
"ge"
paalis na si James. Talagang hindi siya tumitingin saakin
"james."
"ano?"
"sorry na kasi!!"
"sige ok lang yon bye"
"eehh sige ingat"
umalis na siya. tsk. hindi parin siya natauhan sa sinabi ng mama niya!!
>:(

BINABASA MO ANG
Dear Diary
Fiksi PenggemarIt all starts with one "lost-and-found" notebook and everything changes!!