Alamat ng Baliw

1.9K 36 9
                                    

Si Wali ay ang pinaka mayaman sa kanilang bayan. Sobrang dami niyang mga kayamanan, mga ari arian na umabit sa kinse milyones ang bilang. Ngunit hindi lamang siya sobrang mayaman, dahil na biyayaan din siya ng magandang katawan at higit sa lahat ay napaka gandang lalake din ni Wali at halos lahat ng mga babae ay nagugustuhan sya.

Masasabi na nga nating napaka swerteng tao ni Wali. Pero sa kabila ng napakagandang lalake at sobrang yaman nya ay napakasama naman ng ugali nito.

Napaka matapobre at napakaarte nito sa mga gamit at katawan.

Isang araw habang nag papahinga si Wali sa loob ng hardin niya ay may matandang babae ang tumawag sakanya at nilapitan naman niya ito at tinanong kung anong kailangan nya

"Anong kailangan mo huh?" Tanong ni Wali.

Sinabi ng matandang babae na kailangan niya ng maiinom dahil sa sobrang uhaw nito.

"Ano ka siniswerte? Ayoko nga!" Ngunit hindi binigay ni Wali ang kailangan ng matandang babar at pinag tawanan niya lamang ito at nilait lait ng sobra.

Ngunit hindi pala alam ni Wali na isang dyosa ang matandang babae na kaharap niya ngayon at sinabi ng matanda na "Ikw lalake! Napaka walang puso mo! Ngayon ay sinusumpa kita na mawala ka sa sarili mo at mabaliw ka! Lahat ng mga kayamanan mo at mga ari arian ay mawawala!" Sabi ng matanda at bigla itong naglaho.

Bigla si Wali ay natamaan ng kidlat at nangyari na ang sumpa ng matanda!
At parang nawala sa sarili si Wali at lumabas ng gate nila at wari mo'y tuwang tuwa habang pumapalakpak  ang kanyang mga kamay at maya't maya ay nagbibilang ng paulit ulit at panay ang bulong sa hangin.

   THE END

Alamat Ng Baliw (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon