1-D FanFic
--
Prologue: The Raffle Vendor"Ate, sali kana dito. Malay mo ikaw ang mabunot at manalo. Eh di may isang buwan kang kasama ang 1 Direction! Naku, sige na Ate. One hundred pesos lang naman".
Napabuntong-hininga na lang ako. Kanina nya pa'ko sinusundan. Inaalok nya sa'kin yung raffle-kuno na yung prize eh, isang buwan kasama ang 1 Direction. Like, HELLO?! Sino bang maniniwala sa ganitong raffle chu chu? Isang daan? Tapos 1 Direction yung makakasama mo ng isang buwan? Ano to? Hulog ng langit? Ano bang modus operandi ang ginagawa ng babaeng 'to?
"Miss. Salamat na lang pero frankly speaking, hindi ako naniniwala sa raffle na sinasabi mo. One Direction is an all boy band na sobrang sikat. I know them okay? At hindi ko alam kung anong modus ang tawag mo sa ginagawa mo pero please lang itigil mo na. Kung may balak kang masama sa'kin, hindi mo yan magagawa ng walang witness. Nasa highway tayo oh! Madaming tao. Kaya please, tigilan niyo na po ako. Hindi po ako interesado". Sabi ko sa kanya.
"Pero Miss Ganda, hindi po into modus. Totoo po ito. Sige na po. Bilhin mo na 'tong raffle ticket. Idol mo naman ang 1D 'diba?" Sagot nya habang naka-agapay saking paglakad.
Tumigil ako at humarap sa kanya. I studied her. Hindi naman talaga siya mukhang magnanakaw, mamamatay-tao, o member ng sindikato. Pero malay ko ba? Looks can be deceiving kaya! Hindi ako ganun ka-fanatic sa 1D. Sa katunayan mas uunahin ko pa ang magbasa at tapusin ang assignments ko kesa sa makigulo sa mga event kung saan sila naroroon. I can snob them really. Hindi dahil mayaman din naman ako, o feeling celebrity dahil may kaya kami sa buhay, it is just not my thing to scream their names, or follow their every move, o di kaya'y stay tuned sa buhay celebrity nila. I know that they are still humans. They are just well-known. And I am treating them as one- if ever makita ko man sila. Pero... para naman sa ikakatahimik ng paglalakad ko papuntang 7-eleven, at sa ikakaginhawa ng tyan kong kanina pa naghihinapis at nagululumpasay dito, siguradong mas mabuti pang bilhin ko na yung raffle ticket. Mukhang 'di kasi siya titigil sa kaka-alok ng raffle ticket nya. Bahala na, isang daan lang naman eh. Mas mabuti na yung ibigay ko sa kanya ang isang daan kesa naman mapahamak pa'ko.
"Fine. Then leave me alone. Wala na'kong paki-alam kung totoo 'to o hindi basta lubayan mo na'ko". Mariin kong sabi sabay abot ng isang daan.
"Yehey! Ate ganda, promise mananalo ka dito! At saka totoo nga 'to. MANIWALA KA"
I rolled my eyes at nagsimula na ulit maglakad.
"Miss Scarlett thank you ah! Ako na mag fi-fill up ng raffle mo! Ingat!"
Napatigil ako sa paglakad. She knows my name? Napalingon ako sa kanya na ngayo'y pasakay na sa isang mamahaling sasakyan.
I even forgot to ask her name. Hindi rin naman siya mukhang estudyante ng SHU academy kung saan ako nag-aaral. Then who is she? Bakit nya ako kilala? Bakit pilit nyang inaalok sa'kin ang raffle ticket na yun and sell it for one hundred pesos kung mayaman naman pala siya?
Argh. She's giving me creeps! But one things for sure...GUTOM NA TALAGA AKO!
===
A/N: Haluu 😁 Fan ka ng 1D? Ako kasi hindi gaano, sadyang mahal ko lang si Louise 😍😍 but still gusto kong i-push ang story na'to.
Hope you'll like it 😉
#1DTFRaffle

BINABASA MO ANG
The Raffle
Teen FictionWould you believe that in a certain raffle worth only Php 100 will make you be with 1Direction? Probably not. Yun din ang naiisip ni Allie ng may mag-alok sa kanya. Hindi sya 1D's avid fan. Pero dahil sa tawag ng tyan, napabili na lang sya ng wala s...