just go

10 0 0
                                    

Zachary's POV
Dati pa lang alam ko na,alam ko na na hindi mo na ako mahal.4 years na tayo kaya kilalang kilala na kita.Madaming nagbago sayo.Hindi na ikaw yung dating Mara na nakilala ko.Hindi na ikaw yung sweet,maalaga at madaldal.Ikaw na yung snob at cold na Mara.Anong nangyari sayo?Sa atin?Bakit bigla na lang nagbago?

Sa apart na taon na tayo syempre may mga ups and downs pero iba to.Iba to sa mga away o tampuhan natin.Alam mo ba nung pauwi ka na galing sa bahay ko sinundan kita?Sinundan kita sa kung saang lugar.Sa lugar na hindi ko sigurado kung safe ba o hindi.Kasi diba sabi mo dati ako yung protector mo?Kaya ayun sinundan kita.Sa lugar,sa lugar hindi ko alam na dun ko na pala malalaman na may iba ka na nga.Ano nga bang laban ko sa kanya?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nung niyakap mo siya ng mas mahigpit pa sa yakap mo sakin.Niyakap mo siya na para bang ayaw mo siyang mawala sa piling mo.Mamimiss ko yung ganyang yakap mo sakin.Akala ko hanggang yakap lang.Pero nung hinalikan mo na siya?Wala na talo na ako.Talong-talo na ako.

Handa na ba ako sa mga sasabihin mo kinabukasan?Handa na ba ako?Tangina hindi pa!Hindi pa ako handang bitawan mo ang kamay ko mula sa mahigpit kong pagkakahawak dito.Hindi pa ako handang sabihin ang mga huling salita.Hindi pa.

Just GoWhere stories live. Discover now