Naliligaw na ako.
Hindi ko na alam kung paano ba ko makakaalis sa tinik na tinatapakan ko.
Hindi ko alam kung paano ako makakaahon sa pagkalunod ko sa luha ko.
Hindi ko alam kung kailan gagaling ang mga kamay ko nang dahil sa kumapit ako ng matagal sayo.
Kumapit ako sa pangako, sa mga salitang binitawan mo.
Kumapit kasi mahalaga ka, kumapit kasi mahal kita. Pero bakit ganun? Ikaw pa ang bumitaw?
Akala ko ba sabay tayong lilipad?
Pero bakit ikaw mismo ang pumutol sa aking mga pakpak?
Ikaw mismo ang naglunod sa akin sa tubig.
Ikaw ang naglaglag sa akin mula sa langit.
Ikaw ang nag sabing walang iwanan, pero Ikaw din ang nangiwan.Bakit pa ba ako umasa sa isang tao na di naman kayang higitan ang pagmamahal ko. Di kayang makita ang halaga ko.
Kinain ako ng ilusyon ko na maaari kang manatili sa pinanghawakan ng ating puso.
Kinain ako ng mga salitang lumabas sa bigbig mo. Kaya heto ako nasaksak sa likod dahil si tiwala sayo.Pero.
Kakalimutan ko ang araw na tumitig ka sa aking mata.
Kakalimutan ko ang araw na sinabi mo sa akin ang salitang "mahal kita".
Kakalimutan ko ang gabi na niyakap mo ako.
Kakalimutan ko ang gabi na naramdaman ko ang tamis sa labi mo.
Kakalimutan ko ang lahat.
Kakalimutan ko ang mga araw at gabi na umiiyak ako.
Kakalimutan ko ang dating pinangarap mo ako.
Kakalimutan ko ang pagalis mo.
Kakalimutan ko.
Kakalimutan ko na minsan ka ding nagbigay saya sa puso ko.
Kakalimutan ko.- Rconpash ❤
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoetryPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.