Dear Crush,
Natatandaan mo pa ba ako? Diba ako yung nagmahal sayo? Yung taong binalewala mo lang? Ay wait bakit mo naman ako tatandaan kung di mo ako pinasin.
Alam mo crush masakit. Napaka sakit yung, nandito lang ako, nasa tabi mo lang ako, pero binalewala mo lang. Naghanap ka pa ng iba. Pero bakit naman ako yung pipiliin mo? Oo nga pala pangit ako. Di ako sexy. Pero alam mo ba? Di ako perpekto.
Kung di man ako yung pinili mo, okay lang. Kahit masakit basta masaya ka. Basta sana tandaan mo ako, na ako yung nagmahal sayo ng sobra sobra.
Alam ko din na wala akong karapatan magselos or what, pero masakit eh. Di naman tayo, never naging tayo, never mo ako nagustuhan. Pero sana naman wag ka maging paasa.
Umasa tuloy ako. Umasa ako na baka, baka lang na nagustuhan mo rin ako. Pero hindi pa rin eh. Mabait ka lang pala talaga. Pero minsan nakakainis din yang kabaitan mo eh. Sa sobrang bait mo nahulog ulit ako sayo. Paulit ulit na lang ako nahulog sayo. Gwapo mo kasi eh. Hehe.
I know someday I'll be your "Minahal ako niyan, binalewala ko lang." Machakit yung kras! Yung sinasabi ng iba na ang stupid ko para ipagpilit ko sarili ko sayo. Pero mas stupid ka pa rin, para maghanap ng iba kahit nandito naman ako. Nasa tabi mo lang ako palagi. Kaso wala eh. Kahit ako man ang unang nagmahal sayo. Iba naman ang unang nagpatibok ng puso mo.
Buti pa siya, napansin mo. Ako nga eh, pinagtatabuyan mo pa minsan. Kaya sana naman, wag mo paulit ulit na tinutusok yung puso ko. Warak na eh.
Nagawa ko na ata lahat para mapansin mo ako eh. Kaso wala eh, sa iba naka focus yung mata mo. Alam mo ba, kahit di mo man ako priority, mahalaga ka sakin? Kahit anong gawin ko nag aalala ako sayo.
Aba, pag ako gumanda, who you ka sakin. Joke lang. Alam ko naman di habol ng puso mo yung magaganda lang, alam kong gusto mo yung maganda yung ugali, yung nagpapatibok ng puso mo. Yung minamahal mong iba.
Domino effect yata toh eh. Nahulog ako sayo, tsaka ka naman mahuhulog sa iba. Kahit sa pagtutukso sakin ng mga kaibigan ko sayo, kinikilig pa rin ako. Yung mga panahon, na napansin mo na na may crush ako sayo, iniwasan mo na ako. Pero pag tinutukso ako nga nga kaibigan ko sayo, pinagtatanggol mo ako. Sinasabi mo sa kanila na baka magalit ako.
Alam ko. Mas na hulog ako sayo pag ganun. Eh mabait ka lang naman kasi eh. Di ka snob. Di ka suplado. Mabait ka. Kaya ako nafall sayo eh.
Ang swerte naman ata nung girlfriend mo. Sana di ka niya saktan. Wala naman akong laban eh, mahal mo siya mahal ka niya. Ako mag isang nagmamahal sayo, walang mutual feelings. Di tumabla powers ko sayo eh.
Sana naman sumaya ka. Sana naman, pasayahin ka niya.
Nagmamahal sayong,
Scarlett
BINABASA MO ANG
Dear Crush
Teen FictionScarlett Elizabeth Cruz, isang babaeng nagmahal sa taong di naman pwede, one day, she made a letter for that guy with all her feelings let out. Alam naman nung crush niya na crush niya siya ehh. But that letter was not meant to be given to him. Matt...