salot

6 0 0
                                    

Sa isang napakaganda na isla ng Basilan, sa maliit na baryo na kung saan tahimik at mapayapa na pamumuhay nakatira ang mag-asawa na si Mang Deo at Aling Ressy. Tulad ng ibang mag-asawa, halos hindi na makatulog sa kadahilanan ng malapit ng magsilang ng sanggol si Aling Ressy,.
Isang umaga naramdaman na ni Aling Ressy ang pagsakit ng kanyang tiyan, habang pumalaot ang kanyang asawa. Inatasan ni Aling Ressy ang anak ng kanyang kapit bahay upang tawagin ang kumadrona na siyang nagpaanak kay Aling Ressy. Makalipas ang dalawang oras, sinilang ang batang lalaki na sadyang kakaiba,kung ang lahat ng bagong silang ay tila'y mukhang anghel,ang kanyang isinilang ay kabaliktaran. Malaking pagkagulat at takot ng kumadrona, nagmadali itong lumisan ngunit ng hahakbang pa lang siya ay kumulog at biglang buhos ng malakas na ulan na may kasamang malakas na hangin. Nag-aalala naman si Aling Ressy dahil ang kanyang asawa ay pumalaot,ngunit lumipas pa ang ilang oras patuloy parin ang sama ng panahon, at wala parin ang kanyang asawa. Nagsisimula ng dumilim at humupa na ang bagyo ngunit wala parin ang kanyang asawa,buong gabi pa nakalipas gising parin si Aling Ressy at wala parin ang kanyang asawa,. Isang umaga na puno ng pag-aalala, nagkakagulo ang mga tao,sa kabila ng bagyo napeste ang mga pananim at hindi na mapakinabangan,dumating pa ang isang nakakalungkot na balita,natagpuan ang asawa ni Aling Ressy na patay sa daungan. Habang nahihinagpis ang lahat ay nagbubulungan at pinag-uusapan ang pagiging kakaiba ng anak neto,hanggang sa dumating sa punto na sinisisi na ang bagong silang sa sunod sunod na kamalasan sa kanilang baryo.. Hindi madali ang naging buhay ni Aling Ressy ngunit kailangan niya maging matatag para sa kanyang anak,kahit na kakaiba pa ito,ang mga kamalasan sa kanilang baryo ay nagtuloy-tuloy pa ito,at patuloy din ang paninisi sa kanyang anak,na sumpa kuno ang batang isinilang niya.. Kina-usap ng mga taga baryo si Aling Ressy, na lumisan sa kanilang baryo ngunit tumanggi ito,dahil umano ang lahat ng ala-ala ng kanyang namayapang asawa ay naroon. Tatlong buwan na ang kanyang anak na pinangalanan niyang Deo, bilang pagpupugay sa namayapang asawa,ngunit ang kamalasan sa kanilang baryo ay nagpatuloy at lalong tumindi ang paghihirap na kanilang dinanas. Isang tahimik na gabi habang ang mga kalalakihan sa baryo ay nag-iinuman napag-usapan nila ang patungkol sa sumpa na hatid ng anak ni Aling Ressy,ika nga nila kailangan na magawan ng paraan para matapos na ang kanilang paghihirap,kailangan ng mapa-alis ang tinatawag nilang batang SALOT. Tinungo ng grupo ng mga kalalakihan ang tahanan ni Aling Ressy,dala dala'y apoy at gasolina,sinubok nilang sunugin ang bahay ni Aling Ressy, ngunit patungo pa lang sila nakamasid na si Aling Ressy at tila alam na niya ang binabalak ng mga kapit bahay niya,kaya agaran na itong lumisan, kasama ang kanyang sanggol. Humahagulgol patungong kagubatan si Aling Ressy, kung saan tutungo hindi rin niya alam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Naked KillerWhere stories live. Discover now