EPISODE 15

1.8K 63 2
                                    

   Excited ang lahat sa paglabas ni Alex sa hospital, maliban kay Janina na hindi nila alam kung nasaan!

  " Kung kelan lalabas na ko sa'ka wala si Nina, pinsan bakit ba sobrang busy nyang kaibigan mo?" Tanong ni Alex habang naghihintay ng release papers nya sa bahay na lang sya magtutuloy ng gamot.

     Nagkatinginan si Crissa at ang mama ni Alex, kasi sa totoo lang ni wala sila balita ni hindi makontak ni Crissa ang kaibigan...kelangan nila magsinungaling kay Alex simula ngayon...

     " Busy daw sa opisina, sabi naman nya dadalawin ka nalang daw nya sa house nyo kapag my time na sya." Pagsisinungaling ni Crissa.

    Lumabas nalang si Crissa ng di na humaba pa ang tanong nito. Naisip nyang magtanong kay Tanie baka sakali alam nito.

   Tinawagan nya ito sa cellphone.

   " Hello, sis may alam ka ba nasan si Nina?" bungad nya dito.

    " Wala, ilang days na di nagpaparamdam yan. Nasan kaya sya, maski message wala." Takang sagot ni Tanie.

     " My god, abala tayo kay Alex but we  forget Nina. Alam ko mahirap at masakit nararamdaman nya, nasan na kaya sya?" Balik na tanong ni Crissa kay Tanie.

         " Hindi ko rin alam pag-uwe ni Alex hanapin nyo, pasensya kana muna alam mo naman sitwasyon ko." Sabay himas sa medyo halata ng tyan.

       " Sa palagay mo, sinadya na nyang wag mgpakita pa, kinakabahan ako kilala ko si Janina, kapag my panalangin sya at  natutupad ano man inisip nya na kapalit nun gingawa nya." Pag alala nya sa kaibigan.

     " My god nasan na kaya sya? Naaawa ako sa kanya, isa pa sa pinagbubuntis nya!" Naiyak silang magkaibigan.

   " Hahanapin ko sya, hindi para kay Alex para sa bata? Wala tayo magagawa ngayon kung di maghintay kelan matauhan si Alex. Si Nina ang kawawa sa nangyayari! Kelangan natin sila tulungan!" Pakiusap ni
Crissa kay Tanie..

     At pinutol na nila ang kanilang usapan..

     Si Janina naman habang lulan ng eroplano gumawa ng mensahe sa kapatid na si Kath. Alam nyang nagtatampo ito dahil ni hindi sya nagpakita s debut nito, kahit tawag o mensahe man lang ay wala sya napahatid sa kapatid. Hingi sya ng sorry at sinabi din nyang isa sa mga araw na iyon uuwe sya, ngunit di muna sa ngayon, gusto muna nyang ayusin ang buhay nya...ang buhay nila ng kanyang magiging anak...!

     Pagbaba nya ng eroplano saka nya isesend yon at isasara lahat ng pwede maging koneksyon sa kanya, unang una na ang puso nya para kay Alex.
Pagbaba nya ng airport, nagulat pa sya sinundo sya ng secretary ni Mr. Orlando Litangco ang bago nyang boss at buong akala nya sa isang apartment sya ihahatid nagulat sya na sa mismong bahay nito sya dinala ng secretary at driver nito, pagbaba ng sasakyan.

         " Bakit dito ako tutuloy?" Tanong nya dito.

         " Mas mabuti si boss nalang tanungin mo mamaya, mabuti pa magpahinga ka na muna mamaya pa konti uwe nya, may meeting sya with the investor!" Paliwanag ni Lyka.

        " Ah, ganun ba? Sige saan ba ako magkwakwarto?" tanong nya.

   Tinawag nito ang isa sa mga katulong si Mara, siguro mga kaedad nya ito. At isinama sya sa magiging kwarto nya.

Pagpasok nya sa kwarto iginala nya mata, maganda malaki di nakakapagtaka dahil mansyon ang bahay nito at may malawak na hardin.

       " Salamat ako nga pala si Janina!" Pakilala nya dito.

" Mara!" sabay nakipag kamay ito sa kanya at nagpaalam na.

     Nag-iisa na sya, para syang dayuhan sa isang lugar na kung saan bago lahat.

Sometime's Love Just Ain't Enough[completed/UNEDITED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon