"halaaaaa!! Sana classmate natin sya this sem! Loooord please! Pagbigyan nyo na po ako kahit ngayon laaaang! huhuhu"
*pak!"
"infairnes sayo Maika, mukha kang tanga! Luhod ka kaya para maemphasize yang acting mo!"
"Hoy Jeng! wag mo sabihing di mo rin hiniling kahit minsan na maging classmate si Thomas! Kaltukan kita!" si Maikang lokaloka.
Umiling nalang ako habang ngumingisi.
Third day na mula noong pasukan pero parang first day pa lang kasi ngayon lang kami nagkaron ng classroom.
Etong si Maika nag iinaso, kesyo gusto daw nya maging classmate yung crush niyang si Prince. Pero in all fairnes hindi gwapo si Prince -.- pero ma-appeal naman. Okay fine, cutie sya. Pero hindi kase yung mga katulad nya yung type ko eh, boy next door. Mas bet ko yung mga sporty. Parang si Jonah. ayieeee!! Ok. Move on!
Nasa classroom na kami ngayon, nag aabang ng new classmates and prof.
Mga kasama ko, together forever kami nito! Si Maika, yung maharot sa grupo. Literal na maharot -.- Si Lizel, tahimik. Minsan lang makipagsabayan sa kakulitan namin ni Maika. Ewan ko ba kung pano namin naging kaibigan to. at syempre ako, minsan tahimik pero madalas makulit. Depende sa mood. LOL. Magkakaiba kame ng ugali pero nagclick. Siguro kase meant to be na maging magkakaibigan kami. Haha!
Isa isa na nagdadatingan yung mga classmate namin. Merong dati na namin kilala, merong namang bago. Pero ang nakakatuwa classmate namin si Prince kung saan patay na patay si Maika. Kaya hayun ang loka, halos bugbugin si Lizel sa sobrang kilig. Tsk tsk! Mabuti nalang Pader at si Lizel ang katabi ko.
Ilang minuto lang dumating na din ang prof namin.
Si Mam Evitha Sanchez. Accounting yung subject namin sakanya. Malas. mejo may katandaan na kasi si mam. Mabait naman sya, kaya lang haaaayssst boring -.-
The usual na ginagawa kapag first day. Magpapakilala yung prof, at estudyante, mag papasa ng classcard tapos uwian na.
Bago pa man makalabas si Mam Sanchez may pumasok pa na estudyante. Late.
"uhhm .. accounting po?"
"Yes. You need anything mister? Are you part of this class?"
"ahh yes. sorry po mam I'm late."
"It's okay. Give me your classcard and please introduce yourself."
kinuha nya sa bag yung classcard nya at sinulatan tapos iniabot na kay mam
"uhh hello. Ivoh Mendiola. Nice to meet you all."
Pagkatapos nun, naupo na sya tas lumabas na si mam.
"oh my ghaaad! oh my ghaaad! Jeng! si Ivoh! Yung crush mo! ayieeeeee!"
May kasama pang kurot sa tagiliran. aysus!
"Lizel ha! lumalabas yang kakulitan mo pag nakikita mo si Ivoh. Hindi kaya ikaw yung may gusto sakanya?!" ako, may kasama pang taas ng kilay.
"OHMYGAD Lizel! May gusto ka kay Ivoh?!" si Maika.
"HAHAHAHAHA!! Nice pare! First day pa lang yan ahh!"
tawanan ng mga kabarkada ni Ivoh.
shit! narinig yata nila kame?! ugh! Sana hindi nila narinig si Lizel!
Tumingin ako sa side nila, nagtatawanan padin sila. Si Ivoh naman nagkakalikot sa phone nya habang pailing iling.
juskopooooo! ano ba namang panimula to????
Humilig ako sa pader paharap kina Lizel at Maika. Sa ganitong posisyon, madali ko din makita yung grupo nila Ivoh.
Napansin kong tumingin sya sa gawi namin. Napatingin din ako, tapos bigla sya ngumiti.
shit!
KINIKILIG AKO! <3
BINABASA MO ANG
KINIKILIG AKO! (Summer Diary)
Romantik"Sabi nila ang crush daw parang unli, may 1 day, 2,3, or 5 days or 1 month pero kapag tumagal yan sa 1 month matakot kana, MAHAL na yan!" Typical Teenage CRUSH-LIFE ♥