[Prologue]
"Pahawak nga ng bata." Rinig kong sabi ng katabi ko.
Naka-upo lang kami sa damuhan dito sa sementeryo.
"Baby. Nanana. Say mama! Say mama baby."
"Napapansin ko lang ah, yung baby, mukhang kahawig niya ng mata si Peachy." Napangiti ako nung narinig ko ang pangalan niya. Pati ba naman ang baby, naging kahawig pa niya?
Nag-iba naman ang aura ng mga kasama ko sa sementeryo.
"Kumusta na kaya si Peach? Namimiss ko na siya." Nagbuntong hininga ang kaibigan niya.
Me too.
I missed her.
Yung babaeng nagbigay sa'kin ng pag-asang magmahal muli, yung babaeng nagpabago ng pananaw ko sa buhay, yung babaeng tumulong sa'kin para mahanap ang tunay na ako.
Yung babaeng minahal ko ng tunay.
Pero nasaan ka na ngayon? Bigla ka na lang nawala.
Nangako ka na hindi mo ako iiwan.
Bakit ganun?Kung kailan handa na akong yakapin ka, bigla ka nalang naglaho na parang bula.
Doon ko lang naintindihan, tama nga sila.
May mga bagay talaga na hindi para sa atin. Ipapakita lang sa'tin, pero di kalauna'y babawiin din naman. Pinaparanas lang sa'tin na maging masaya kahit sa maikling panahon lang.
Halos tatlong taon akong naghintay. Pero, nasaan ka? Hindi ka na bumalik gaya ng ipinangako mo.
"Babalik ako, magkikita parin tayo Seven."
Alam kong ikaw ang nag-risk para sa ating lahat.
Hinayaan mong maging masaya ang ibang tao kesa magkaroon ka ng kaligayahan mo.
Pero, ikaw ang mahal ko. Ikaw ang tinitibok ng puso ko.
Naniwala ako sa pangako mo, naghintay ako. Nasaan ka?
"Pag-gising mo bukas, titila ang ulan, sisikat ang araw. Tandaan mo, mahal pa rin kita."Mahal mo parin ba ako?
The characters and events mentioned in this story are purely fictional and are not to be construed as even remotely inspired by persons and events known and unknown to the Writer.
ALL RIGHTS RESERVED.
No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including mimeographing, or by any information and retrieval system without permission from the Writer.Copyright 2013 © by Shennyorita/ Former liLCutieAUTHOR
BINABASA MO ANG
I'm Taken by a Man Named Seven
ChickLit[Ongoing Series] Happiness, Sadness and everything na may "ness" ang nararamdaman kapag in love. Ito nga naman ang gustong iparamdam nina Apple, Cherry at Strawberry sa kanilang NBSB bestfriend na si Peach. Eto naman si Manang, family oriented at na...