Chapter One

41 2 0
                                    

It's been 20years simula ng magkakilala kami ni Alex.Magkapitbahay, Childhood friends, lovers etc. kung baga
siya ang first boyfriend ko at   ako din ang first girlfriend niya.We love each other dearly siya ang mundo ko sentro ng kaligayahan ko simula ng mamatay ang aking mga magulang sa isang aksidente siya na ang karamay at kasama ko sa buhay.

Akala ko mahabang buhay na kami ganoon ni Alex ngunit isang araw pinuntahan niya ko sa inuupahan kong apartment.

"Sofie, love andyan ka ba? tawag ni Alex sa labas ng apartment"

"Oo love andito ko saglit lang at bubuksan ko ang pinto. wika ko"

Pasok ka muna love. Pero nanatili siyang nakatayo sa pintuan ng aking apartment nang napansin kong may dala pala siyang maleta nagsimula ng mangilid ang luha sa mga mata ko ng magsalita siya.

"Love, andito lang ako para magpaalam hindi rin ako magtatagal biglaan kasi ung alis ko papuntang Davao para magtrabaho kinuha kasi ako ng tiyuhin ko para magtrabaho sa isang hacienda dun.alam mo naman diba na ako lang inaasahan ni nanay para din naman to' sa future natin eh.Chaka tatawag naman ako palagi sa'yo at pag may libreng oras uuwi ako dito para makasama ka. paalam ni Alex sakin."

Pero magkakalayo tayo? tanong ko kay Alex

"I have no choice. Para sa pamilya ko to' at para na din sa atin.Maintindihan mo sana love pag nakaipon naman ako ng sapat para puhunan ko sa negosyo babalik na ako. pagpapaliwanag niya"

Ngunit hindi pa ako nakakapag salitang muli. Tumalikod na siya bitbit ang kanyang maleta
naiwan akong lumuluha at nakatayong mag isa.

Lumipas ang maghapon, nanatili lang ako sa loob ng kwarto ko na nagmumukmok at paminsan minsan umiiyak at iniisip si Alex ng biglang tumunog ang cellphone ko.

(Mahiwagang Mensahe) ringtone ko un bakit ba? paborito ko si Doraemon eh :-P

Bumangon ako at kinuha ang cellphone ko sa ibabaw ng study table ko. Nang tignan ko kung sino ang nagtxt.

*1 message received

Nang pindutin ko nagpop up ang pangalan ng sender

from : Love_Alex +63907×××××××

Love, kakalapag lang ng eroplano dito sa Davao Airport. Ingatan mo palagi ang sarili mo habang wala ako sa tabi mo. Babalikan kita antayin mo ako mahal na mahal kita Sofie !

Yun ang laman ng text message ni Alex sa akin.Napagpasyahan ko na hwag muna syang replayan bagamat napangiti ako sa text nya nilapag ko ulit ang cellphone ko lumabas ng kwarto upang maghanap ng pwdeng makain palibhasa'y ala sais na ng gabi ng napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding ng munti kong kusina.

Nang matapos akong kumain napagpasyahan kong maligo muna bago matulog kailan ko ng lakas para makapagtrabaho ng maayos kinabukasan.

Itutuloy . . . .

Relationship BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon