I'm In Love With You

14 0 0
                                    

143: CHAPTER ONE

"Kuya Asan na si Tristan? Tingnan mo oh nag-ayos pa ako para sa kanya"

"Wala hndi daw sya makakapunta dito sa bahay. Manggugulo ka lang daw kasi."

"Kuya naman!" ,pagmamaktol ko.

"Biro lang. Nasa ospital si JC. Hndi daw bumaba yung lagnat simula kagabi. Kaya dinala sa ospital kaninang madaling-araw."

"Dadalaw ka ba dun Kuya?"

"Oo. Sama ka?"

"Yup! Tara na!"

"Teka nga! Kita mong di pa ako naliligo. Maghintay ka dyan. Puro ka Tristan. Sya lang naman gusto mong makita dun"

"Duh! Si JC kaya yung gusto kong makita!"

"Oh talaga? Kaya pala nag-paganda ka para kay Tristan"

"Tss! Kuya! Kumilos ka na nga!"

Ginulo nya lang yung buhok ko bago pumasok sa kwarto nya.

I'm Kriscell Castillo and yung kausap ko ay si Kuya Gelo. Syempre kapatid ko. And yung Tristan naman ay barkada nya na crush na crush ko. Tapos si JC na may sakit ay yung little brother nya.

Madalas kasing nasa bahay namin tuwing weekends si Tristan. Bestfriend sila ni Kuya eh.

Si JC naman sinasama nya din minsan. Pero ako naman ang nag-aalaga dun kapag nasa bahay namin sya. Tss! Ginawa nya akong babysitter ng kapatid nya. Pero di bale crush ko naman sya at kapatid nya naman yun.

Nagpunta kaagad kaming ospital ni Kuya. Nagdala akong prutas para kay JC.

Room 143

Kumatok si Kuya bago pumasok nasa likod nya lang ako at nakasunod.

Unang nahagip ng mata ko ay si Tristan na natutulog sa sofa. Bakit pati sa pagtulog nya ang gwapo gwapo nya pa rin? Nakabukas ng unti yung bibig nya at mabagal ang paghinga nya.

Nilingon ko agad ang mga magulang ni Tristan nung marinig kong nag*ehem* si Kuya.

"Good Afternoon po Tita. Nagdala nga po pala akong prutas para kay Jc"

"Salamat Hija. Nag-abala ka pa."

"Wala po yun."

Inabot ko kay Tita yung mga prutas. Wala dito yung Daddy ni Tristan siguro nasa trabaho pa.

Nakipagkwentuhan lang si Kuya kay Tita Karen. Bigla naman akong tinawag ni JC anlakas lakas pa ng boses nya. Tinignan ko sa sofa si Tristan. Baka kasi magising. At magwalk-out kapag nakita ako.

Kapag nakikita ako nun laging biyernes santo ang mukha. Palagi kasi akong nakabuntot sa kanya. At inaaway ko rin yung mga babaeng nalilink sa kanya. Syempre! Ako ang magiging future girlfriend nya kaya dapat walang makakalapit sa kanya na iba.

Nilapitan ko agad si JC at nagsign ng "ssshhh" sa kanya dahil baka magising ang kuya nyang bipolar.

Tumango naman yung bata.

Tinuruan ko lang sya ng alphabets at numbers sa dala kong ipad. Wala na naman syang lagnat. Pero maya maya at inilayo ko na rin sa kanya yung ipad. Baka kasi mabinat.

After ng ilang oras ay inantok na rin ang bata. Yumakap pa sakin ang magpapahele. Umiling naman ako. Bawal ko syang buhatin kasi napakabinggat nya. Tinabihan ko nalang sya at tinapik tapik sa hita. Maya maya nakatulog din si JC.

Nagulat pa ako kay Tristan kasi gising na pala sya at nakasimangot na nakatingin sakin.

Napangiti nalang ako sa kagwapuhan nya. Kahit simangot na simangot sya ang gwapo gwapo nya pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon