Chapter 1
"Raya!." Ramdam ko ang higpit ng yakap ni Mommy. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kalong niya ako mula dito sa Front seat. Papunta kaming Batangas dahil sa nangyaring pagbagsak daw ng plantahan namin doon. Yun ang mga naririnig ko sa usapan nila Mommy at Daddy, every time we ate our dinner. They'll always talked about our business there.
"Mong! Ano ba! Anong nangyayari?!." Sigaw ni Mommy na nagpagising sa aking diwa. Panay ang liko ng sinasakyan namin at hindi ko maintindihan kung bakit. Pero nakakaramdam ako ng takot dahil sa tensyon sa pagitan nila Mommy at Daddy.
"Lette... Nawalan tayo ng preno!."
"Oh my! Mong! Pano tayo nito!." Lalong humigpit ang yakap ni Mommy saakin. Naramdaman ko ang pagharang ng bag mula sa ulunan ko.
"Whatever might happen. We need to protect Raya from this. Gumawa ka ng paraan----
Isang malakas na pagsalpok ang narinig ko. Napadilat ako hanggang sa makita ko ang pag-untog ng ulo ni Mommy kung saan. Ako lang ang hindi dahil sa yakap niya at hindi niya ako binibitawan. Napaluha ako.. Ramdam ko ang paggulong kung saan mang bangin ang sasakyan namin. Ang pagtigil nito sa pagsalpok hanggang sa may narinig akong tunog ng nabasag ang kasabay ng pagpasok ng kung Anong bagay sa mata ko.
"Raya! Raya! Gising!." Napabalikwas ako ng bangon.
Hingal na hingal at ramdam ko ang pagtulo ng pawis mula sa noo ko. Kinapa ko ang towel sa tabi ng unan ko. Nang makuha ay pinunas ko agad yun sa buong mukha ko.
"Nananaginip ka nanaman." Dinig kong Sabi ni Elisse.
Tipid akong ngumiti. "Oo. Palagi naman." Nangapa akong muli. Binaba ang paa mula sa sahig at kinapa ang tungkod ko.
"Hanggang ngayon dala mo pa rin ang masamang nangyari sainyo ng pamilya nyo."
"Habang buhay na ata Elisse." Naramdaman ko nanaman ang kalungkutan.
I was four years old ng mangyari ang aksidenteng iyon. Nagising na lamang akong walang makita at sinabi saakin ng di ko kilalang babae na wala na ang mga magulang ko. Umiyak ako non syempre.. Dahil bata pa ay wala pa saakin kung bakit wala na akong makita. Pero habang tumatagal.. Habang nagkakaedad ako ay napagtatanto ko ang hirap at pangangailangan ng makakita.
Ang ingay ng tungkod ko at ang ingay ng saklay ni Elisse ang naririnig namin sa hallway. Nasa isang charity institution kami kung saan nangangalaga sa mga abandoned disabled persons. May mga gaya kong hindi makakita, may mga autism, pilay, deaf and mute ang meron dito. Ganun pa man, kung ang tingin ng iba na marami kaming kakulangan.. Hindi iyon ang itinatak sa isipan namin. Tinuruan kami at tinrato na normal na tao.
"Alam mo Raya. Ikaw ang pinakamaganda na nakita kong babae para saakin. Bukod saakin syempre. Hihihi." Napangiti ako. Hinila ako ni Elisse na sinundan ko naman.
"Nasa harap na natin ang upuan natin." Kumapa ako gamit ang tungkod. Nang makalapit ay tinabi ko na ang tungkod at naupo. Nilapag ko na rin ang dala kong Plato.
"Magandang umaga! Elisse at Raya!."
"Magandang umaga po Mama Therese." Ani namin kay Mama Therese na isang Madre na namamahala rin saamin.
"May maganda akong Balita sayo Raya." Ang lambing at gaan ng boses niya ang nagbibigay kapayapaan saamin. Para siyang anghel na pinadala para alagaan kami mula sa mapanghusgang mundong ito.
"Ano po yun Mama?."
"Ang Sabi ni Doctor Morales. Pwede ka pa daw makakita."
Tumango ako pero hindi gaanong masaya. Sa totoo lang, kuntento naman na ako sa kung Anong meron ako ngayon. Ang kawalan ng paningin ay mahirap.. Pero ano pa bang dapat kong hilingin para dito? May pag-asa man ngunit may mahahanap bang magdodonate ng mata para saakin? Hindi rin.. Hindi sigurado kaya ayoko lang umasa.
BINABASA MO ANG
BE WITH YOU
General FictionNot all what the eyes can see , could give colors in a man's life. Sometimes, What the eyes can't even see but the heart can feel are the one who can really gives a person a reason to live.