Chapter One- Emmanuel Alferez de la Vega

1.7K 72 13
                                    

Chapter One

Emmanuel Alferez de la Vega

"WHERE are you going?"

She stopped in the middle of the grand staircase when she heard that small yet stern voice. Nilingon niya ang may-ari ng boses. Pababa rin ito ng hagdan gaya niya. His black hair was waistline long that made him looked like a girl. Nakasuot ito ng itim na shirt na may naka-print na 'KILL ME IF YOU CAN'.

"I'm going to Cadiz, Spain." Umigkas ang kaliwang kilay ng bata at hindi ito nagsalita. Para bang hinihintay siya nitong magpaliwanag.

"Is Armand with you?"

"He's already there waiting for me."

"When will you come back?"

"I don't know yet," she answered. Wala naman talagang kasiguraduhan kung kailan siya makakabalik. Depende sa maging resulta ng pagpunta niya roon. "Do you want anything from Spain?"

"Yeah. You," tipid nitong sagot saka tuluyan ng bumaba. Sumunod siya rito. Binilisan niya ang kanyang lakad para maunahan niya ang bata. "Yes?" his eyebrows met when she blocked his way. Yumukod siya sa harap nito. She tied his hair into a ponytail. Hindi ito kumibo habang ginagawa niya iyon.

"Ayaw mo bang magpagupit?" tanong niya sa bata matapos itali ang mahaba nitong buhok. Sumimangot ang bata.

"Wag mong pagdiskitahan ang buhok ko. Wala naman 'yang ginagawa sa'yo," angil nito.

"Mukha ka na kasing batang babae."

"Kahit magmukha pa akong si Rapunzel, wala namang may pake. Tayo lang ang tao rito. Isali mo na rin si Armand."

"May mga katulong tayo. Tao sila."

"They don't mind if I'm long-haired or bald as long as they are paid," the boy answered. "You better go. Thanks for tying my hair."

"Eli, what do you think of a playmate?" she asked.

"Playmate? What do you mean? Don't call me Eli. It's Ethan," he corrected.

"Paano ka naging Ethan? Kailan pa?"

"Basta. 'Wag mo ng itanong."

May mga pagkakataong gusto na nga niyang palitan nang tuluyan ang pangalan nito. Magkapangalan man ito at ang kakambal niya, ang layo naman ng ugali. Mas kaugali nito ang isa pa nilang kapatid na si Ephraim o F.

"Ano nga 'yong tungkol sa playmate?" tanong ng bata.

"Naisip ko lang na baka gusto mo ng kalaro.

"Nabibili na ba ang kalaro ngayon?" kunot-noong tanong nito. She sighed. Kung minsan ay gusto niyang kurutin ang mukha nito at sabihing kaugali nito si F pero 'di niya ginawa dahil baka magalit ito sa kanya. Wala siyang balak na makitang nagtatampo ang sampung taong gulang na bata na daig pa ang matanda kung mag-isip.

"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. I need to go," aniya saka hinalikan ito sa noo. Eli or Ethan used to stay home kapag may nilalakad siya. Gustuhin man niya itong isama sa pupuntahan niya, mas pinili niyang maiwan ito. Mahalaga ang lakad niya sa Cadiz, Spain.


ILANG oras lang ang naging biyahe niya upang makarating sa Cadiz, Spain. Armand was waiting for her in the airport at ito ang nag-drive ng kotse patungo sa pupuntahan nila.

Symphonian Curse 9: Queen DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon