Dear Wes,
Okay ka lang ba? Galit ka ba sa'kin? Isang linggo na simula nu'ng huli kong letter sa'yo, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap galing sa'yo. Nakikita naman kita sa campus, mukhang okay ka naman. Galit ka siguro sa'kin, 'no? Sabihin mo na lang sa'kin, please? Kaysa maghintay ako sa wala. Maiintindihan ko kung gusto mo na akong tumigil sa pagsusulat. Sorry talaga dahil hindi ko pa kayang magpakilala.
Love,
Secret Admirer