Bakit kailangang dumating kung sa huli ay aalis rin? Bakit mo ibibigay kung sa huli ay siya mo rin namang babawiin. Bakit kailangang iahon kung sa dulo ay hahayaan mo rin namang malamon.
Nagmamahal at minamahal, akala ko noon ganyan lang kadali ang pagibig. Katulad ng mga talatang isinusulat ko ngayon. akala ko basta marunong akong magpaikutikot ng mga linya ay magiging maayos na. Akala ko basta magaling ka sa pagdradrama ay magiging kampeon ka narin sa laro ng tadhana. Ngunit nang ika'y dumating ang laro ay naging karera. isang karerang walang direksyon at ang dulo
Ay hindi ko makitaNang dumating ka pa lang alam ko nang isa kang bangin. Ngunit ako nga naman si tanga sinuong ko ang bangin sumugal ako na baka sa dulo ay naroon ka para ako'y saluhin.
Sabi na nga ba nagkamali ako dahil san man kita hagilapin ay hindi kita makita. Ay, mali nakita na pala kita. Natagpuan na kita ngunit sa piling na ng iba.
Naalala ko noon bawat kantang sabi mo'y alay mo sa akin.ako naman nahalina sa musikang inaalay mo rin sa iba. Nakakatawang isipin na napabilang ako sa mga babaeng nagsasayang ng luha para sayo. Napasama ako sa koleksyon mo. Nagpakababa ako para sayo. Pero sa huli ay binalewala mo.
Nais kong sabihin na ako'y winasak mo. Ngunit ayaw kong malaman mo na apektado ako sayo. Ayaw kong malaman mo na lumuluha ako para sa isang kagaya mo. Kaya sa panahong haharap ako sayo ay ngingiti lamang ako at manonood kung paano mo siya suyuin gaya ng dati mong pag lambing sa akin.
Magpapanggap ako para hindi mo makita na mahal na kita. Magpapanggap ako para di mo makita kung gaano ako katanga. Magpapanggap ako para di mo makita ang mga luhang nagbabadya. Magpapanggap ako dahil ayaw kong maging isa sa mga palamuti na ikinakisig mo. Magpapanggap ako para di mo mahalata na natalo na ako, na nakuha mo na ako. Magpapanggap ako hanggang kaya ko dahil wala kang karapatan na makita ang kahinahan ko.