"This is a story of a boy meets girl... But you must remember that this is not a love story..."
-500 Days of Summer
PROLOGUE
When was the last time you had your eyes widened because of a shocking news abour crush's girl?
When was the last time you had eaten chocolates because of love depression?
When was the last time you tortured yourself with love songs, thinkibg about the one you dream about?
When was the last time you sobbed and cried, for that someone who made you feel so important more than anybody else, but then that one just left you hanging after a while?
When was the last time you promised that you will never have false hopes again after a love-thoughts-and-dreams failure?
And... When was the last time you tried to move on from a relationship that's never happened?
When?
I know there's no remembering of the exact time, place or date... However, one thing is certain... Those were the things that mattered when the moment of impact came- between you and the one you ought to be with.
When We First Met
'Nichollo Lopez! We are running out of time!'
'Be there in a minute!'
Kala niyo nanay ko noh? Di noh. Ate Grace ko lang yan. Ang banal nung pangalan, pero pag sinigawan ako niyan, daig pa yung nansusumpang witch ni Snow White.
Ganyan ang setting namin everyday, sigawan. Pero mabait naman siya pag tulog. Kasalanan ko naman kung bakit siya laging naka sigaw, ang bagal ko kasi kumilos tuwing umaga, eh dapat sabay kaming umaalis ng bahay papuntang trabaho dahil sa akin daw nakasalalay ang safety ni Ate. Medyo bodyguard niya ko.
Naglakad na ko palabas ng bahay. Buti na lang at may taxi nang natawag si Papa. Nag good bye kiss na kami sa kanya at kay Tita Jen.
'Hoy! Bukas maaga na talaga tayo dapat ha! Malilintikan na ko sa boss ko eh. Buti na lang at may grace period sa office... Nakakaloka ka! 5am kita ginising, 6am ka na bumangon! Sabog.' Singhal ni ate grace.
Tumango at ngumiti na lang ako. Araw araw namang ganito sinasabi niya, pero minsan sa isang linggo ko lang natutupad. Atleast diba?
May isang besea pa din! Haha!
Simpleng buhay lang ang meron kami... Lahat kaming magkakapatid ay may trabaho na. Si Ate Grace, IT specialist, ako namang sumunod sa kanya ay isang English teacher, at ang bunso naman namin ay isang nutritionist. Iba iba ang career na tinahak namin dahil hinayaan kami nina Mama at Papa na kunin ang nais naming kurso. Si Tita Jen naman ay bagong dating lang sa mundo namin, girlfriend siya ngayon ni Papa. Ang sabi nila, magpapakasal na sila. Sa amin naman ay wala nang problema. Gusto din naming makasama ni Papa si Tita Jen kapag siya'y tumanda na.
Masasabi kong kuntento na ko sa buhay ko... Sapat na sapat lang para makahabol sa kung anuman ang meron sa mundo ngayon. Ngunit sa tuwing sinasabi ko ito, may isang espesyal na pangangailangan akong naiisip na matagal ko na ring hinahangad...
Ang pagmamahal ni Therese Anne Martinez.
"Ate, eto na yung baon mo, nailagay pala ni Tita sa bag ko."
"Ay, oo nga. Bangag na naman si Tita sa music. Haha!" Kutya ni Ate Grace.
Araw ng Biyernes. Napakaganda ng tirik ng araw, kaaalis lang kasi ng bagyo. Hinintay kong makaakyat ng building si Ate Grace bago ko umalis. Nang matapos icheck ng guard ang kanyang bag ay sinalat ko muna ang napakagandang landscape at kalsada ng Global City sa Taguig, hanggang sa...
"Manang, akin na ho, ako na ho muna ang magdadala niyan. Saan po ba kayo papunta?"
Napalingon ako sa mala anghel na tinig nang nagsabi noon. Nakita ko sa likuran ko ang isang babae na nakayuko sa matandang maraming hawak na kalakal. Natulala ako habang sila'y tumatawid na.
Walang halong bola o biro, napakaganda ng babae! Isinakay niya sa tricycle ang matanda. At pagkatapos noon ay unti unti kong nakita ang mukha niya...
Napakaganda.
Malalim at itim na mga mata, manipis at matangos na ilong, pouty lips, makinis at maputi na kutis at katamtamang haba ng itim na itim na buhok; katamtaman din ang tangkad. Nang mapatingin siya sakin mula sa kabilang kalye ay bumalik ako agad sa ulirat, napakabilis ng tibok ng puso ko. Para akong hinihingal. Kinailangan ko pang bumuntong hininga para mabawasan ang bilis nito. Ngumiti siya sa akin at umalis pagkatapos. At lalo akong nagpalpitate.
Hindi ko alam kung anong dapat gawin, kung tama bang habulin ko siya at magpakilala. Di ko alam kung magmumukha akong manyak o arogante, pero sa huli ay hinabol ko rin siya para magpakilala.
'Gather yourself, Nico. Just say hi with a smile,' nasabi ko sa aking sarili.
Nang malapit na ko sa kanya, bumuntong hininga muna ako bago magsalita. Pagkatapos ay...
'Hi, miss... Uhm... You did a... uh.. Good job with the old woman.. Uh... I wish I.. uh..'
Napatigil ako nang lumingon siyang nakangiti. Ang bilogan niyang mata ay kumikinang habang nakangiti...
MOMENT OF IMPACT.
BINABASA MO ANG
The Moment of Impact
General FictionIt took a one drastic heartbreak for me to do this.