A BA KA DA

681 4 0
                                    

A. Alamin mo kung sino ka ba talga hindi yung pati sarili mo niloloko mo na. Alamin mo kung ano ang kaya mong gawin at kung anong kaya  mong naisin. Alamin mo kung sino ka ba talaga,  hindi yung nakatingin ka sa kung anong kaya nila. Hindi yung pati sarili mong mata dinudukot mo na dahil sa inggit mo sa iba,  Sarili mong mata na dinudukot mo na at ipapalit sa mata ng iba dahil sa inggit ka sa kanila. Alamin mong mabuti kung sino ka,  dahil kapag nalaman mo na,  kakayanin mo ng magtagumpay sa sarili mong paa kahit wala sila at kahit walang panggagaya.

BA. Baguhin mo kung anong mali sayo, Hindi yung ipagpapatuloy mo hanggang sa malunod ka na sa sariling pangarap mo. Baguhin mo ang lahat ng maling nakasanayan mo,  para makuha mo kung anong gusto mo. para malaman mo kung ano ka at kung sino ka. Para malaman mo kung ano ang tama. Kung ano ang mabuti at kung ano ang di makakasanayang hapdi. Baguhin mo habang may pag asa pa. Para sayo, at para nadin sa kapakanan ng iba na sasaktan mo na.

KA. Kalimutan. Kalimutan ang mga bagay na makakapagpasakit sa iyo para hindi mo maloko ang sarili mo. Para di mo masaktan ang sarili mo. Para matuto ka sa mga maling bagay na ginawa mo. Para muling mapansin ka ng mga taong tinapakan mo. Para malaman mo kung anong kakayahan mo. At para hindi malunod sa mga mali,  sa mga pangit, sa mga bagay na akala mong mabuti para sayo pero hindi ang mabuti'y Pagsisihan mo muna Bago mo kalimutan lahat ng maling nakasanayan.

DA.  Dalhin mo sa tamang landas ang sarili mo. Magpatulong ka sa itaas kung hindi mo matandaan ang daan pabalik sa kung saan ka nanggaling. Sa kung saan ka unang dumating. At magtiwala ka,  ikaw ay makakarating muli sa iyong tahanan, sa iyong sarili na palagi na lamang may puwang, Pero huwag na huwag mong Kakalimutan ang Lumikha at nagbigay sayo ng buhay. Dahil siya ang magiging daan upang mabago mo ang nakasanayan mong Mga Maling bagay.

- Rconpash ^_^

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon