Dear Pineapple,
Tinuruan talaga akong maging makapal ang mukha. Kailangan 'yun, para malayo ang marating ko sa buhay. Matalino ka nga, pero nahihiya kang ipakita. Pa'no 'yun? Dapat proud ka sa lahat ng meron ka. Kaya nga lagi kong pinalalandakang pogi ako e. Minsan lang tayo maging maganda o pogi sa buhay natin, pagtanda natin wala na 'yan. Sulitin na, 'di ba?
Tumatambay lang ako sa post office, minsan natulong ako kay Kass. Tas minsan naggagala kami ng barkada ko. Minsan nasa bahay ako nina Ella. Tas nag-aaral din. Ang boring naman ng mga buhay natin. Alam mo kung paano maging interesting? Magkita na tayo ngayon. Joke lang. Baka bawiin mo bigla 'yung 100th letter tas gawin mo pang 500th.
Ayos lang 'yun. Sulitin mo mga binibigay sa'yo. Dapat 'wag kang tumatanggi, kasi biyaya 'yan ni Lord e. Instead, magbigay ka rin. Kahit ano pa 'yan, bigyan mo pa rin sila. Pagluto mo ng pagkain. Ma-a-appreciate nila 'yan.
Salamat sa pagkaka-miss mo sa mukha ko. Wala akong ma-miss sa'yo e.
Love,
Wes