Umaasa Padin Ako

762 1 0
                                    

Oo. Umaasa padin ako.
Umaasa na maibabalik pa yung dating tayo.
Kahit imposible kasi may nagmamayari na ng iyong puso. Masakit tanggapin sa akin. Na yung taong minahal ko malabo nang maging akin. Malabo ng aking ma angkin. Masakit tanggapin sa akin. Na tuwing gabi iyak ako ng iyak dahil laman ng puso ko ikaw padin. Iniisip ko pa din ang gabi na bumitaw ka sa akin. Habang sinasabi ang masasakit na salita na hindi akma sa aking damdamin. Habang patuloy kang bumibitaw sa kamay ko nung mga oras na napakahigpit ng hawak ko sayo. Iniisip at iniisip ka pa din.

Pero ano bang dahilan,  bakit ka nangiwan.
Ano bang kailangan, upang bumalik ang lahat ng nasayang. Umaasa padin ako. Sana malaman mo na ang kirot at hapdi ay hindi maaalis sa aking puso. Ang pagmamahal ko, kagaya pa din ng dati, Oo, Umaasa padin ako. na baka bukas pag gising ko kumatok ka sa pinto at sabihin babalik ka na kasi mahal mo ako,  kasi kailangan mo ako,  kasi gusto mo pa ng yakap ko,  kasi gusto mo ulit matikman ang halik ko, Pero, asa lang,  baka sa panaginip nalang makamtam. Napakasakit, na iniwan mo ako at di ko alam kung bakit. Na bumitaw ka kahit walang pasabi. Na umalis ka ng walang kibo. Na nawala ka ng parang bula. Na minahal mo ako tapos ngayon hindi na. Umaasa padin ako. na mamahalin mo pa din ako. Pero malabo ng mangyari dahil iba na ang laman ng iyong puso pero dahil tanga ako, AASA PADIN AKO SAYO.

- Rconpash =)

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon