Ang Torpe kong Pag-ibig (one shot)

332 4 0
                                    

"you under arrest. You have the right to remain silent. Anything you say or do may be used against you in a court of law. You have the right to consult a lawyer. If you cannot obtain a lawyer, the court shall be the one to appoint one for you."

hindi ko mapigilang hindi matulala. hindi dahil sa wakas ay nasa harap na namin ang kriminal na nagpasakit ng ulo namin, kung hindi sa babaeng pumuposas sa kanya.

maganda talaga siya.

"tara na, Tejada. kailangan na nating bumalik sa presinto." sabi niya saka sumakay ng mobile.

"y-yes, Maam!" hindi ko mapigilang mautal tuwing kinakausap siya. kinakabahan kasi ako. bumibilis tibok ng puso ko.

siya si Mirabelle Santillan.

isang pulis.

Superintendent.

superior ko.

outstanding police of the year.

kinatatakutan ng mga masasamang loob.

matapang.

walang inuurungan.

seryoso.

maganda.

sexy.

mabait.

at mahal ko siya.

"sa daan ka tumingin, tejada. mababangga tayo niyan eh."

mabilis kong itinuon ang tingin ko sa daan. hindi ko mapigilang mamula. nahuli kasi niya akong nakatingin sa kanya. ano na lang ang iisipin niya?

"y-yes, maam." nauutal na naman ako. hay naku!

pero di ko rin mapigilang mapangiti. ang ganda talaga niya. mala-anghel pa rin ang boses kahit authoritative ang pananalita niya.

narating na namin ang station. walang salitang bumaba siya at dirediretso lang siya sa desk niya. ako naman, naiwang nakatingin lang sa kanya. pinagmamasdan ang kanyang ganda.

"hoy! baka naman matunaw na si Maam niyan." sabi ni Yumi, kasama ko sa trabaho at bestfriend ni Mirabelle.

hindi ko siya pinansin. naupo na ako sa pwesto ko at sinimulang magtype ng mga reports. naramdaman kong sinundan ako ni Yumi. 

"ligawan mo na kasi." nakangisi si Yumi sa akin. sa lahat ng kasama ko rito sa station, si Yumi lang ang may alam ng lihim kong pagtingin kay Ma'am Mirabelle. 

"parang ang dali lang namang gawin iyon." 

"madali lang talaga. ang tangi mo lang gagawin ay ang magpakatotoo sa iyong sarili. palibhasa kasi, torpe ka." tumawa pa ito ng nakakaloko. 

"oo na. torpe ako." inis kong sabi sa kanya. lagi na lang niya akong kinukutya sa pagiging torpe ko. as if naman gusto ko tong tinatago ang damdamin ko sa kanya. sino ba ang may gusto non?

pero kahit na anong ipon ko ng lakas ng loob, natatameme talaga ako kapag nasa harap ko na siya. sino ba naman ang hindi matotorpe kay Mirabelle? lahat ata ng binata rito sa homicide division gusto siya.

at lahat sila nanligaw na sa kanya.

at lahat sila basted.

mas matataas ang rank nila sa akin, mas gwapo sila, mas matikas, at galante mamigay ng regalo. pero hindi nakalusot kay mirabelle.

eh ako? junior ako ni mirabelle. hindi rin naman ako gwapo. hindi rin ako mayaman. at lalong-lalo hindi pa ko nakakabigay ng regalo sa kanya. di ko naman kasi alam ang ibibigay ko sa kanya kasi lahat na ata ng pwede mong ibigay sa isang babae naibigay na ng mga manliligaw niya kaso di naman niya tinatanggap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Torpe kong Pag-ibig (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon