Prologue

550 8 2
                                    



Its just all started ng ako ay malelate na sa aking pasok. Lahat na ginawa ko para lang makahabol sa bus na tuwing 30 mins lang nadaan sa aming Barangay, na tatlong kanto mula sa amin.

Lahat na ginawa ko para lamg maabutan ang bwisit na bus na yun pero wala ee. Naiwan pa din ako kahit anong bilis ng takbo ang ginawa ko.

Wala akong nagawa kundi ang tignan na lang ito habang lumalayo ito sa akin.

Napaupo na lang ako sa waiting shed at napayuko na lang sa panghihinayang at naghintay ako ng 30 mins para sa susunod na bus.

At dahil wala akong magawa, inilabas ko ang aking ballpen at nagsimulang magvandal sa waiting shed na aking kinauupuan ngayon. Lahat ng inis at galit ko isinulat ko dito.

Pero hindi ko alam na sa sulat na ito pala ay may isang tao na papansin at sasagutin ang lahat ng mga tantrums ko sa buhay. At hindi ko din inakala na sa simpleng sulat na ito lang ako mahuhulog ako sa taong ito.

Sino nga kaya sya? Kelan ko ba sya makikilala?

Ito ang aking kwento na nag umpisa lang sa isang simpleng pagtanghali ng aking gising at tinanghali ako sa aking pasok at pagmamadali na maabutan ang bus pero nauwe lang din ang lahat sa pagsusulat ko sa waiting shed na ito at my nakapansin dto.

Sana Mr. Vandal makilala kita at sana kapag nagkakilala na tayo ay mapansin mo ako.



~~~~~~
A/N: Yey! Nakagawa din ng paumpisa ng aking storya. Sana lang ay matapos ko ito. Salamat nga pala sa mga nagFollow sa akin dto. Sana may makapansin ng kwento ko :). Read read read.

Waiting ShedWhere stories live. Discover now