Being Unsettled

1.5K 33 0
                                    

            NAHIHIRAPAN NA talaga siya sa sitwasyon nilang dalawa ni Kyle. Hindi niya kasi ito kinikibo kapag kumakain sila ng breakfast, lunch at dinner. Mabuti naman at marunong sumakay si Kyle sa pagiging moody niya. Kapag nasa shop naman kasi, kailangan niyang pakitunguhan ito ng iba, nang mas mabuti, na may lambing. Ayaw niya kasing maging showbiz yung style ng marriage life nila, pinag-uusapan dahil may latest conflict or issues.

Nagkaroon ng kaunting strain ang relasyon nilang dalawa magmula noong makita niya itong kasama si Vera sa may ice cream shop. Ang problema, hindi niya maunawaan kung saan nakukuha ni Kyle ang lakas ng loob nitong maging sweet sa kanya. At ang hindi pa niya maintindihan ay kung bakit nakakatingin pa ito ng diretso sa kanya samantalang siya naman ay nahihirapan.

Kaya isang araw naisip niyang magpa-counsel kay Rose, hindi na niya kasi alam kung hanggang saan niya kayang bitbitin ang bigat na nararamdaman ng kanyang damddamin.

"Ano ka ba naman Ate, sure ka ba talaga sa mga sinasabi mo o baka naman maling hinala lang ang lahat?" wika ni Rose noong isang hapon na sila ay naglalakad sa may mall. Half day lang ang pasok nilang dalawa. Nagkataon na Miyerkules iyon. Wala si Kyle. MWF kasi ang sked ng Marriage Stability Class nito.

"Masisisi mo ba ako na mag-isip ng masama? Una nung tinanong ko kung sino ang ka-text niya sabi niya client daw, samantalang nabasa ko ang name ni Vera sa inbox niya. Pangalawa, nawawala siya agad sa mood kapag kinukulit ko siya tungkol sa client niya. Tsaka, third...Rose nahuli ko silang kumakain sa ice cream parlor." Mabigat na ngayon ang aura niya. "Ate, isa lang ang mapapayo ko sa iyo. Una, huminahon ka lang at maghinay-hinay. Kailangan mo munang masigurado na tama lahat ang ipinaparatang mo kay Kyle. Kasi malaking gulo ang mangyayari kung mali ang lahat ng info mo. Much worse, you might end up having an ire-fixable break-up."

Tumigil siyang bigla sa paglalakad. Naisip niya ang lahat ng nangyari sa kanila ni Kyle.

More than two years kaming nagkahiwalay, gusto ko bang maulit iyon?

Siyempre ayaw niya. Kaya naman noong gabing nagkita sila ni Kyle ay kinausap niya ito ng masinsinan.

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon