"ANO? 'YAN BA ang dahilan kung ba't ka nanlalamig sa akin nitong mga nakaraang mga araw?" di makapaniwalang sambit ni Kyle. Kauuwi lang niya galing class. Sinalubong siya ni Swan ng isang malaking confession.
Naiiyak na ito nang tumugon. "Anong magagawa ko! Sabi mo pupunta ka ng program tapos mahuhuli ko kayong magkapatong ng kamay ni Vera sa loob ng ice cream shop!"
"Oh Swan...my dear Swan," naaawa niyang banggit saka hinila ito at niyakap ng napakahigpit. "Kung natatakot ka na iiwan kita dahil kay Vera, nagkakamali ka," aniya saka pinunasan ng mga palad ang pisngi nitong basang-basa ng mga luha. Pulang-pula ang mga mata nitong tumitig sa kanya.
"Gusto ko sanang sabihin sa iyo na nakipag-connect si Vera ulit sa akin. I wasn't lying, she was a client." Ipinaliwanag niya ang pag-bid nito sa kanyang yacht at yung aksidente nilang pagkikita sa may ice cream shop.
Habang nakikinig, unti-unting nagbago ang nararamdaman nito.
"Hindi ko sinabi ang totoo sa iyo dahil ayakong malagay sa alanganin ang marriage natin muli. Don't worry, agad kong iniwan si Vera noong inilagay niya ang kamay niya sa kamay ko."
Nakahinga ng maluwag ang asawa.
"Madali kong maramdaman ang mga insecurities mo Swan. Siguro mas sensitive ako dahil tatlong taon ang tanda ko sa iyo. O baka dahil sa tulong na rin ng program, I became much more sensitive."
Hinalikan niya sa noo ang asawang ngayon ay kalmado na. "I'm still yours..." bulong niya rito.
"I'm sorry Kyle...for mistakenly accusing you of adultery," hiyang-hiya nitong bigkas.
"We are all frail humans, nagkakamali at nagkakasala. Kaya nga kailangan nating maging sentro ang Diyos kung hindi mawawasak lang ang lahat. We all need to learn to forgive, para tumagal ang pagsasama. Tahan na," aniya nang hindi ito umimik.
"Nagiging makata ka pala at malalim kapag humuhugot," singhot nito.
"Yep, at ikaw lang may kakayanang palabasin iyon sa akin." He gave her a loving stare.
"Kyle, thanks for loving me...for forgiving me..."
Nahaplos ang puso niya sa nakakaawa intong itsura. Inayos niya patagilid sa may tenga nito ang mga buhok nitong nagkalat sa mukha. "Swan, lagi mong tatandaan, my best interest is always for you...dahil asawa kita."
He sealed the statement with a very passionate kiss. At nang ito ay kumalma na binuhat na niya ang kanyang munting reyna sa King sized bed nila.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...