Minsan naisip ko lang bakit ba maraming tao ang mahilig mag deny lalo na pag ''LOVE LIFE'' ang topic, lalo na mga artista magaling diyan. Matanong ko lang kinakahiya niyo ba ang buhay pag-ibig niyo? kasi kung di naman, dapat nga proud kayo eh, dahil nagmamahal kayo at may nagmamahal sa inyo di ba?
Ang akin lang po, dapat umamin na kayo di yung puro kayo deny eh, obvious naman na kayo na. Paano ba naman halos lahat ng diyaryo at channel ng tv kayo ang headlines eh. Isa pang nakakapagtaka ha, parang mas alam pa ng mga fans niyo na may love life kayo samantalang kayo naman puro deny pa.
Di ko naman kayo masisisi kung ayaw niyo umamin pero , nagmumukha na kayong simungaling eh, kasi obvious naman talaga. Ika nga ng isang ingles na kasabihan:
"Action speaks louder than words"
Pero puro pa rin kayo deny,at minsan pag napuno na ako di ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa inyo, dahil iba ang sinasabi ng bibig niyo sa pinapakita ng katawan niyo.
"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib"
Tama ba ako? ha?!
Kaya kung ako sa inyo wag na i-deny pa lalo na kung alam niyo naman sa sarili niyo na gusto niyo ang isang tao at chance niyo na umamin na, at wag pairalin ang pagka-torpe ha??!! Kasi naranasan ko na rin yan, nagkaroon ako ng chance pero naduwag ako umamin eh, samantalang
lahat ng kaklase ko alam nilang may pagtingin ako sa isang tao. Ako lang talaga itong naduwag umamin eh, kaya iyon tuloy sa halip na ako ang nakatuluyan niya, iba pa...
At eto ako ngayon nakatingin na lang sa kanya mula dito sa malayo, na nasasaktan akong masaya siya sa piling ng iba...dahil sa kaka-deny ko nagkaganito ako walang love life. (____")
Kaya kayo pag nagkaroon kayo ng chance ha...wag na i-deny pa, sa halip umamin na...nang di na kayo matulad sa akin na ngayon nga nga, kasi pinalampas ko ang isang magandang pagkakataon na sana naging kami at hindi sila.
" Grab the iron while its hot"
Pag andyan na wag nang patumpik-tumpik pa...sabi nga ni vice karakaraka na...wala naman masama pag di ka nag-deny di ba?
(^___^)
THE END....................................FIN.......................................ADIOS
_____________________________________________________________________
A/N
Sana naman pag may nakabasa nito ma inspired ko po kayo, sana naman po mag vote and comment kayo...Pero mas mahalaga sana mabasa niyo ito ,dahil sa ganitong paraan ko nailalabas lahat ng emosyon ko...muli maraming salamat guys!
(^_______^)
Signing Off : Rhamz21
_____________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
''Napapala ng mahilig mag DENY'' ( One Shot )
FanfictionDon't deny if everyone already knows it!