Humahangos akong tumatakbo para lang makawala sa mga lalaking humahabol sakin ..
Nasa isang isla ako at nasa loob ako ng isang gubat.kung paano ko napunta dito ay hindi ko din alam basta hinahanap ko ang bahay ni Siderio may kung ano sa akin na naalala ang lugar na ito, hindi ko alam kung nakapunta nako dito noon pero pamilyar talaga ang lugar.
Ang mga lalaking humahabol sa akin ngayon ay balak akong kainin akala ko kanina ay tutulungan nila ko upang mahanap si Siderio pero narinig ko ang usapan nila kanina habang nag lalakad kami ..
"Wag nyong hayaan makatakas ang babaing iyan, kung ayaw nyong magutom."sigaw nang isa sa mga lalaking humahabol sa akin..
Unting unti ko nang nararamdaman ang pagod kaya bumagal ang aking pag takbo..
Sakto naman na may nakita akong isang maliit na kweba at doon ako lumusot .. madilim at masikip sa kwebang iyon kaya tumatagaktak na rin ang aking pawis .. nag pasalamat akong bigla na lang umulan kaya mahihirapan akong sundan ng mga humahabol sa akin..
Nang tumila ang ulan ay pinakiramdaman ko ang paligid at nang alam kong ligtas at lumabas ako.. hapon na iyon at nakadama ako ng gutom kaya sakto ang puno ng buko sa aking kinatatayuan inakyat ko ito kahit ang hirap dahil sa dulas ng makarating ako sa tuktok ay kumuha ako ng isa at bilatan ko ito gamit ang mga ngipin..
Nagpahinga pako ng marinig ko ang boses ng mga humahabol sa akin .. nag pasya akong huwag muna bumaba .. ng makaalis sila ay agad akong bumaba sa taas ng punong iyon subalit nakita ako ng isa sa mga kasamahan ng mga ito.. nag mamadali na naman akong tumakbo kahit pa ang tinatakbuhan ko ay napakadulas at tarik na akala mo ay bundok.. nang malapit nako makababa ay nakita ko ang isang bahay .. biglang sumagi sa isip ko na ito ang bahay ni Siderio .. lumingon ako at nakita kong hinahabol parin ako ng mga lalaking iyon .. tumakbo ko papasok sa bahay at kahit isa sa mga kwartong pinasukan ko ay walang tao.. pumasok uli ako sa isang silid at doon nakita ko si Siderio ..
Nakabahag ito at mahaba ang buhok hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero ang tiyak kong hawak biya ay isang sibat .. napalingon ito sa akin.
"Sino ka? "Seryosong tanong nito.
Hinihingal pa ako noon pero pinilit kong mag salita masaya ko dahil natagpuan ko na ang aking Siderio ang sinasabi ni Ama na aking mapapangasawa ..
"T-tulungan mo akong magtago hinahabol n-nila ko."pag mamakaawa ko. At tumango naman ito agad nag tago ako sa likod ng pinto ng kwartong iyon ngunit mali dahil doon dumaan ang mga lalaking nanghabol sa akin agad akong hinablot ni Siderio at dinala sa sala ng kubong iyon.
"Pinuno? Isang pag kain ang babaing iyan, kami'y labis nang nagugutom kaya ibigay na ninyo po siya."sabi ng isa sa mga lalaki doon.
Tumingin sa akin si Siderio at huminga.
Nanginginig na akoy nag salita sa kanila .."Hindi niyo ako maaaring kainin pagkat isa akong maharlika anak ako ng haring Ibaya at kaya ako naglakbay parito ay dahil sa inyong pinuno."tumingin ako kay Siderio na seryoso lamang na tumingin sa akin..
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng isang halik sa labi ..
Napakatamis nang kanyang mga labi, akala mo ay kumakain ako ng isang aratilis..
"Tama ba? Ikaw si prinsesa Aesya?"nakangiti nang tanong nito.
Tumango ako at siya na mismo ang nagawad ng isang halik sa akin.."Kailangan ninyong magbigay pugay sa kanya dahil siya ang aking mapapangasawa, humingi din kayo ng tawad sa kalapastanganan na inyong ginawa."pahayag niya sa mga lalaki.humingi naman ang mga ito ng tawad at tinanggap ko ..
BINABASA MO ANG
THE MAN OF MY DREAM
General FictionShort Story! This story contains sexual scene so if your not an adult already please dont read this .. comments and follow me .. :)