"MISHA NASAAN ANG NOBYONG SINASABI MO?!" Heto nanaman tayo. Wala na bang ibang itatanong at hahanapin ang Papa ko kundi ang nobyo kong si Glenvert?
"Papa, kalma lang. Sa susunod na linggo ay bibisita siya dito."
Napabuntong hininga na lang si Papa sa aking sinabi. "Tatandaan ko yan, Misha. SA SUSUNOD NA LINGGO!" Matapos niyang ipagdiinan ang huling sinabi niya ay sumakay na siya sa kanyang kabayo at umalis.
Hinintay ko munang mawala sa paningin ko si Papa bago ako ...
"WHAAAAA!!! ANAK KA NG KABAYO!!"
Paano ako hahanap ng Glenvert sa susunod na linggo?!
Wala naman kasi akong nobyong nag nga-ngalang Glenvert. Palusot ko lang naman 'yon kay Papa para tigilan niya ako sa kagustuhan niyang maikasal ako kay Popoy bansot na 'yon.
"TULOOONNGGG!" Napasigaw na lang ako sa panlulumo pag naiisip kong ang Popoy na 'yon ang mapapangasawa ko. AYOKO! A-Y-O-K-O! AYOKOOO!!
Para akong tanga na nakasalampak sa loob ng kwadra ng kabayo kong si Fier.
"Binibini?"
Bigla na lang akong napalingon sa taong nagsalita mula sa aking likuran at agad na napatayo ng tuwid.
"Sino ka?"
"Ako po pala si Berting." Pagpapakilala niya at may patanggal-tanggal ng sombrero niya at payuko-yuko pang ginawa.
Berting? Ang bantot naman ng pangalan na ibinigay ng mga magulang niya sa kanya.
Pero teka ...
Bigla na lang napataas ang kilay ko dahil sa pagtitig ko sa kanya ng maigi.
Tinitigan ko siya mula sa kanyang mukha paibaba.
May hitsura. √
Malaman ang dibdib. √
Mahaba ang mga biyas. √
Maangas ang tindig. √
Napangiti na lang ako sa aking naisip.
----
Ito ang unang beses na gagawa ako ng kwento na mahaba pa sa limang chapter kaya sana ay magustuhan niyo. Salamat sa mga magbabasa. :)
BINABASA MO ANG
Trabaho Lang Walang Personalan
General FictionPaano kung ang taong nasa harap mo ay may mabantot na pangalan ngunit masarap ang katawan? Paano kung ang taong iyong mapipili ay may katangahan ngunit saksakan ng kakisigan? At higit sa lahat ... Paano kung ang taong dumadama sa init ng bawat haplo...