CHAPTER SIXTEEN

39 6 2
                                    

ILANG araw na ang nakalipas magmula ng maging kami ni Angel, tila ba mas nagkaroon ng direksiyong ang buhay ko sa tuwing kasama ko siya ay nagiging madaldal na ako. Lumalabas ang totoong ako.

Walang sawa siyang nakikinig sa mga kuwento ko kahit na paulit-ulit ako, nasa kalagitnaan na ako ng pagkukuwento ay mapupuna kong nakatitig lamang siya sa akin na tila pinagmamasdan ang reaksiyon ko.

Ewan ko ba kapag ganoon ito tumitig ay naiilang talaga ako, kaya kapag nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin ay pipitikin ko siya sa noo.

Mapapaaray naman siya ng todo-todo na para bang malakas ang pagkakapitik ko dito, 'di ko na nga linalakasan pero kung makareact siya todo bigay.

Masaya ako kasi nakilala ko siya at naging parte na siya ng buhay ko pero paano kung dumating ang araw na kailangan kong mamili over to my family and with her?

Diyahe! Hindi ko yata kayang mamili. Basta eenjoyin ko nalang ang company nito habang may natitira pang panahon.

MAGMULA nang matapos ang BCLD ay lagi ko nang sinusundo si Maine sa bahay nila, wala naman siyang magawa dahil kahit ipagtabuyan niya ako ay hindi pa rin ako tumitinag. Sige ako sa paglapit dito.

At home na at home na rin ako sa kanila, tatay at nanay na ang tawag ko sa mga magulang ni Maine. Nakatingin lamang naman sa amin si Maine at pinapabayaan niya ako sa ginagawa ko.

Isang hapon habang nasa kuwarto pa si Maine ay nagkaroon kami ng time na makapag-usap ng masinsinan ni Tatay Nicanor. Kasalukuyan naman nagluluto si Nanay Pampam.

Habang tangan niya ang isang tasang kape na iniinom nito ay naglabas ito ng yosi at nagsindi sa harap ko.

Tinitignan ko lamang ito."Gusto mo iho?" Pang-aalok niya sa yosing hawak nito, mariin lamang akong umiling. "pasensiya Tatay pero 'di po ako naninigarilyo."

Napangiti naman ito at agad ng itinago ang yosi. "Alam mo ba Alden ikaw ang pinakagusto ko sa mga naging nobyo ng dalaga namin, guwapo na mabait pa at napakagalang mo pa."

Nginitian ko lamang ito, natutuwa ako dahil botong-boto sa akin ang Tatay Nicanor. Mayamaya bigla siyang nagsalita sa tabi ko. Hindi ko aakalaing iyon na ang susunod naming paksa.

"Malayong-malayo ang ugali mo sa Kuya mong si Greg iho, kaya kahit may nakaraan sila ni Maine ay ayos ka sa akin dahil may tiwala ako sa'yo alam kong hindi mo sasaktan at iiwanan. . ." ngunit hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay agad ng sumabad si Maine.

Nasa likuran ko na pala ito, 'di ko namalayan ang presensiya nito, nakatutok kasi ang pansin ko sa sinasabi ng Tatay niya.

Agad akong hinila ni Maine palabas, tuluyan niyang binitiwan ang mga kamay ko nang makarating kami sa labas ng bahay nila. Matagal siyang nakatayo sa harap ko hindi tumitingin sa'kin at tila may dinaramdam siya na ayaw niyang ipakita sa akin.

Pilit akong ngumiti. " 'Wag kang mag-alala Maine hindi ako galit."

Agad na napabaling ang tingin niya sa 'kin tila may mangha pa nga sa mga mata niya, tila maiyak-iyak pa siya. Patuloy lamang akong nag-salita.

"Kahit hindi ka magsabi ngayon Maine naiintindihan kita, anuman iyang gumugulo sa isip mo ay puwedi mong i-share sa akin. Remember I'm your boyfriend narito ako na handang makinig sa'yo." ang totoo kong sabi rito habang titig na titig sa pagitan ng mga mata niya.

Dahan-dahan ko siyang niyakap, yinayapos ang likuran niya. Nag-umpisa na siyang umiyak sa mga bisig ko.

Tila ako ang higit na nasasaktan dahil sa ipinapakita nito. Ang matatag at mataray na Maine ay ibang-iba ngayon, patuloy ako sa marahang paghaplos sa likuran niya.

Nang mag-umpisa na siyang magsalita."Ang sakit parin Alden natatakot na akong magmahal ng totohanan dahil sa ginawang pagpaasa at pang-iiwan sa 'kin ng Kuya Greg mo."

Hindi ako nakaimik patuloy lamang akong nakikinig dito, kahit masakit sa akin ang mga sinasabi niya ay kailangan ko itong mapakinggan.

Mahal na mahal ko siya, kaya ang anumang malalaman ko sa kaniyang nakaraan ay uunawain ko at pakikinggan.

"He's my first love siya ang unang pinagkatiwalaan ko ng lahat-lahat, three years being with him is the greatest thing happen to me. Pero iyon rin pala ang pinakamasakit na karanasan na 'di ko malilimutan. I gave everything pero iniwan lang niya ako sa ere he did'nt say anything! Umalis siya ng walang paalam." halos humagulhol na ito ng iyak sa mga bisig ko, lalo kong hinigpitan ang pagyakap rito.

Tila gusto ko ng umiyak sa mga oras na iyon at the same time lihim na napupuno ng poot ang aking puso kay Kuya Greg.

"How can I forget kung bumabalik na naman siya Alden, he texted me this last few days. He want me to come back pero ayaw ko na." lalong napaiyak niyang sabi.

Mahigpit kong ikinuyom ang mga kamao ko, ngunit hindi ko ipinahalata kay Maine ang tinitimping galit na namuo sa kaloob-looban ko.

"Don't worry Maine I'll be here kahit anong mangyari hindi kita iiwan." taos sa puso kong sabi rito.

Unti-unting bumaba ang mga labi ko rito, napapikit na lamang ito. Dahan-dahan kong pinunasan ang mga butil ng luha nito na nanatiling nasa sulok pa ng mga mata niya.

Matapos ang mainit na tagpo ay mahigpit ko nang hinawakan ang mga palad niya.

Papasok na kami uli sa bahay nila dahil nakiusap sa akin ang Nanay niya na doon na raw ako maghapunan. Ipapatikim raw nito ang pinagmamalaki niyang Ilocanong pakbet.

Excited na akong matikman iyon dahil first time kong makakatikim ng ganoong putahe.

Nasa entrada na kami ng pintuan nila ng ibulong ko ang mga salitang iyon sa kaniya.

"Tanggap kita labs, tanggap ko ang nakaraan mo kaya hayaan mo sanang mahalin kita, papawiin ko lahat ng mga masasakit na alaala ng iyong nakaraan even it takes forever. Lagi mo lamang pakatandaan no matter what happened I'm Forever Yours and you'll be my Forever Mine."


✔️Forever Yours, Forever Mine (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon