32. The Great Ambush Of Kamote

127 1 0
                                    

Ang mahal na hari ay nagbigay ng pahayag tungkol sa kumalat na private video ni Reyna Lor...



"Ang eksenang napanood n'yo po ay hindi ko itatangging ang mahal na reyna nga yun," Paliwanag ng hari. Tahimik ang lahat. "Gusto ko lang pong linawin sa inyo na walang mahalay na eksena roon sa video na inyong nakikita. Isipin nyo nalang na commercial video lang yun at si Reyna-ko ang model. Ako po ay humihingi sa inyo ng paumanhin kung nabastos kayo sa aking mga kasapi sa Kamote Nexus. Dalangin ko po na sana wag na itong mauulit pa. Nasasaktan din kasi ako kapag nalalagay sa ganitong issue ang aking mga kasapi. Muli po akong humihingi sa inyo ng paumanhin, mga minamahal kong bayan."

Pagkatapos nun ay nagpalakpakan na ang press.

Siyempre, hari na ang nagsasalita eh. Pinalakas din ang kanyang loob sa mga qoutes na binigay sa kanyang cp galing sa anonymous user.

Sana nga wala ng mangungutya sa reyna pagkatapos ng public apology ni haring Hero.


Pagkababa ni haring Hero sa entablado, may tumama sa kanyang balikat. Isang balang nanggagaling sa itaas. Sinong maygawa nun? Bakit may bumaril sa mahal na hari.?

Nagpanik agad ang mga tao.

Kahit sugatan ay nagawa pa ni haring Hero na icontact ang mga kamote Rangers sa kanyang cp.

Sunud-sunod ang pagputok. Nagsisulputan ang mga nilalang na nakagayak ng itim na kasuotan. Sila yung mga ninja na tatawaging Shadow Kamote. Nakipagpalitan sila ng pagputok sa mga bodyguards ng hari. Ang mga reporters ay minassacre! Tsk tsk tsk. Dahil dito, naputol ang broadcasting sa Tv. Nagkaroon ng kaguluhan sa kamote building.


Habang nanood naman si Mary Joy sa surplus niyang Tv, nagkaroon agad siya ng masamang kutob sa kanyang iniidolong hari. Sa isip niya, baka kakailanganin ng hari ang kanyang tulong. Nagpaalam muna siya sa kanyang mga clones bago umalis. Pupuntahan lang niya ang kamote building. Ang tapang ah.


Isa-isang natumba ang mga bodyguards ni haring Hero. Tumatagos lang kasi sa mga Shadow Kamote ang mga bala.

Wala ng kawala ang hari.

Dudukutin na siya ng nakaitim na nilalang na mga ito.


Biglang may sumabog sa paligid. Limang makukulay na usok ang nangibabaw dito. At pagkatapos, may narinig silang boses...

"Narito na ang paghuhukom!"

"Magsihanda sa aming pag-atake!"

"Kami ang tagapagligtas ng naaapi!"

"Heto na kami!"

"..." Halatang may gustong magsalita pero tila may humarang.


"Kamote Rangers Nexus!" Galak na pagkasabi nun ni haring Hero. Kasunod nun ay nawalan na siya ng malay. Marami na rin kasing dugo ang nawala sa kanya.

Sa pagdating ng mga Rangers, pinaalis muna nila ang mga nakaligtas na tao. Kasunod nito ay nagpalitan na sila ng paputok ng mga Shadow Kamote hanggang sa may narinig na naman silang boses. Sa pagkakataong ito naman ay tumatawa ito. Boses ng isang babae. Sino siya?


"HAHAHAHAHAHAHAHA"!! Tawa ng babae. Lumabas siya mula sa cr. Maganda ang kanyang pagkakabihis, itim na gown. Mukhang makikipaglibing attire lang.

"Jana Carlie???" Sabi ng Rangers.

"Sino yun?" Maang nitong sabi, "Para sabihin ko sa inyong lahat, wala na ang babaeng iyon. Paharang-harang sa daan, napakaannoying orange niya kaya kinain ko!"

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon