Chapter Two

16 0 2
                                    


Remember the way you made me feel

Such young love but

Something in me knew that it was real

Frozen in my head 

Pictures I'm living through for now

Trying to remember all good times

Our life was cutting through so loud

Memories are playing in my dull mind

I hate parts, paper hearts

And I'll hold the piece of yours

Don't think I would just forget about it

Hoping that you won't forget about it.....

UMAAGOS ang mga luha na nanggagaling sa aking mata habang nakikinig sa kantang nagpapaalala saakin ng isang imaheng di ko makalimutan.

Bakit ganoon lahat nalang ba iiwan ako? Lahat nalang ba dadating tapos sa huli magpapaalam? Lahat ba ganoon?

Di ko na kaya, ayoko na. Ayoko ng kimkimin ang mga problema at kalungkutan na aking nadarama pagod na ako maging masaya para takpan ang mga sugat nayon, pagod na ako gusto ko nalang iiyak lahat.

Magulang ko, mga kaibigan pati siya iniwan ako. Ang sunod sunod na pag-iwan saakin ng mga mahal ko sa buhay ay unti-unti ko naalala ang nakaraan kung saan kailangan ko ng karamay pero wala sila. Pagod na ako lagi nalang ba ganito? Lagi nalang ba ako mag-isa? Kahit andiyan parin mga kaibigan kong bago di ko parin kaya sabihin sa kanila ang mga problema ko pati yung mga secrets ko. Natatakot ako.

Patuloy parin ang pag-agos ng tubig mula sa aking mga mata papunta sa aking pisngi. Nandito ako sa swing sa playground ng ikinukupa kong unit na lagi kong pinupuntahan habang nakikinig sa kantang nakapaslak sa aking tainga gamit ang headphone na paborito ko. Pinabayaan ko nalang ulit ang mga luhang pumapatak sa aking mga hita na nanggagaling sa pagod kong mga mata.

Pinabayaan ko nalang ang mga luhang iyo na matuyo sa lakas ng hangin na may kasamang kulog at kidlat. Ganoon na siguro, tama nga ang iba pagnakita ka ng panahong malungkot ka makikiramay siya sa mga kalungkutang iyon nararamdaman pero hinihiling ko na sana ang mga problemang ito ay katulad din ng panahon bigla nalang dadating pero bigla ding aalis, pero hindi eh. Mas lumakas ang iyak ko ng maalala ko naman ang mga oras na yun kasabay ang tindi at lakas ng hangin, kulog at kidlat.

Mga alaalang tuwing naalala ko ay makikita mo sa mga mata ko ang kalungkutan nayon, lalong-lalo na yung bagay na dahilan kung bakit nakalimutan ko ang salitang pagtitiwala, hindi ko na kaya pa simula ang nangyari yun lahat nalang ng bagay may mali, pero noong kailangan ko ng karamay wala, walang-wala. 

Mga magulang kung iniwan ako, mama ko at papa ko naghiwalay at nagkaroon ng sarili-sariling buhay binigay lang saakin yung unit nayon at si papa naman ay buwanang nagbibigay sa akin ng pera pero hindi ko naman kailangan ang mga yun eh, ang kailangan ko ay pagmamahal. 

Nangyari ang bangungot sa buhay ko wala sila, wala akong masandalang pader dahil doon ako mismo mag-isa ang umalis at bumangon sa kumunoy nayon. Pero lahat ng nagawa ko, bumangon man ako, naging matatag man ako di ko parin maiiwasan yun, di ko parin malilimutan yung nangyari saakin ng panahon na yun.

Then suddenly I met a person who actually I think this person was a reason for me to survive my life, I thought she will be the one who complete my world, who complete my heart but in the end, she leave without trace. Kahit anino man lang wala akong nakita, wala na yung taong kala ko pag-asa para bumagon pero siya pala yung maslulugmok saakin, ansakit kasabay ng pag-iwan niya ang pagdagdag ng problema ko.

TRUSTING THE LINE (The Divergent Lust Outset)Where stories live. Discover now