Notes (ONESHOT)

79 1 6
                                    

Declaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, mimeographing or by any information retrieval systen, without written permission from the copyright holder.

Notes

One-shot story made by: RVBYB_8

* * *

Siguro alam naman nating lahat kung ano ang notes diba?

Pero para sayo,ano nga ba ang notes?

Sigurado akong ilan sa inyo ang sasagot ng: Ang notes ay isang paraan ng pagtatala ng mga importanteng mga lessons o salita sa paaralan. O di kaya'y isang application sa cellphone mo na pwedeng sulat-sulatan ng mga bagay-bagay..

Tama ba ako? Kasi dati iyan din ang tingin ko sa notes. Pero lahat ng yun ay nagbago dahil sa isang pangyayari..

Alalang-alala ko pa nun nung isa pa lang akong freshmen sa highschool. Isa lang naman akong simpleng babae na nag-aaral sa hindi masyadong kamahalang private school. Mahilig ako magbasa ng mga libro at maniwala man kayo o hindi, hobby ko ang pagstu-study. Isa kasi akong grade consious na estudyante, as in sobra! Pero di naman ako nerd tignan.

Habbit ko na din ang pagsusulat ng mga notes kapag nagtuturo ang aming guro, kasi nang sa gayung paraan, may matala din akong kaunting impormasyon sa lesson namin.

Tanda ko pa nun nung Recess time namin, lahat ng mga estudyante ay lumabas na ng classroom upang magsnack. Ako lang ang hindi lumabas kasi busy ako sa pagkokopya ng notes sa blackboard. Kaya't akala ko'y ako na lang ang nag-iisang tao sa classroom, pero mali pala ako.

Kasi may biglang kumulbit sa kaliwang braso ko at sa sobrang gulat ko (kasi akala ko,ako lang tao sa classroom) ay nabitawan ko ang ballpen na hawak ko.

"S-sorry.." sabi nung kumulbit sakin

Pagkarinig ko ng boses niya automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. At slowmotion ko shang nilingon. "H-hah??"

"A-aah..s-sorry kung nagulat kita.."

"N-nako, o-okay lang.." nauutal na sabi ko tapos yumuko ako at aakmang kukunin na sana ang ballpen kong nahulog

ng sa di inaasahang pangayayari ay imbis na ballpen ang mahawakan ko ay isang kamay

Agad na namang bumilis ang tibok ng puso ko at nagkatinginan kami sa isa't-isa at sabay naman naming binawi ang aming kamay na aksidenteng nagkahawak.

Kasi yung moment na kukunin ko na dapat sana yung ballpen na nahulog ko, di ko alam na aakmang kukunin din pala niya yung ballpen ko. Kaya ayun tuloy, nahawakan ko kamay niyang sobrang lambot at kay sarap hawakan..

After nung aksidenteng paghahawakan ng kamay, ay naging awkward ang atmospera ng mga 15 seconds. Nang bigla shang magsalita "A-aahm, pwede bang pahiram ng notes mo sa Math?"

Walang imik-imik kong kinuha ang Math notebook ko sa bag at inabot sa kanya. Inabot naman niya ito at sinabing "Salamat.." tsaka lumabas na siya ng silid-aralan upang magrecess siguro.

Pagkasaradong-pagkasarado niya ng pintuan ay di ko napigilang tumatalon-talon sa upuan at mahinang tumitili-tili dahil sa kilig.

Well, sino nga bang hindi? Siya si John Hwang,seatmate at crush ko sha dito sa paaralan. Nasa kanya na ang lahat, looks,the brain, basta everything! Sobran talented niya nga at ang galing niya pang magbasketball. Isa din shang heartrob dito sa school, kung titignan mo sha, parang kakambal sha ng salitang perfect..

Since that day, madalas na shang manghiram ng notes sakin. At dahil dun sobra akong natuwa kasi kahit papaano, napansin din niya ang isang tulad ko na di kagandahan.

Minsan nga nag-assume ako na baka dahil dun, may konting pagtingin na shang nararamdaman sakin. Pero sa huli, narealize ko na hanggang pangarap lang talaga ako.

Kasi tignan mo ko, di naman ako kagandahan at kasing sexy ng mga babaeng umaaligid sa kanya.Panigurado ganun mga type niya, kasi ganun namang klaseng babae ang dapat sa kanya, sa gwapo niyang yan diba?

Hanggang sa mas lumalim pa pagtingin ko sa kanya at di ko nga alam kung crush pa ba to o err-- pag-ibig na.

At ngayon ay christmas party na namin, at half day lang kami. So meaning, umaga lang Christmas party namin at pagsapit ng hapon, simula na ng christmas vacation.

Pagkatapos ng Christmas party, nag-aya ang 4 close friends ko (babae syempre) na gumala. Nung una tumanggi ako, pero sadyang mapilit sila, kaya't napa-oo nila ako.

Ang una naming pinuntahan ay sa mall, at dahil may nakita silang videokehan, napagdesisyonan na lang nilang magvideoke.

So ayun, kumanta lang sila ng kumanta, ako naman nanonood lang sa kanila. Pakakantahin nga sana nila ako, pero tumanggi ako kasi nakakahiya. Kaya sinabihan nila ako ng "KJ".

Habang ako'y nakaupo lang saisang sulok at nanonood sa kanilang kumakanta ay bigla na lang akong nilapitan ni Jenna, na isa sa mga close friend ko na siyang nagyayang gumala slash cousin ni John at saka kinulbit ako. Kaya't tinanong ko naman sha kung anong kelangan niya..

"May isa akong friend na pinapunta dito,so okay lang ba siyang maki-join satin?" tanong niya

Dahil sa curious ako kung sino, tinanong ko sha. "Sure,okay lang. Pero sino yang friend mo na yan?"

"Ahihihi~ Secret! Basta, you'll know as soon as dumating na siya!" sabi niya at tuluyan ng umalis sa tabi ko

Weird

Pakiramdam ko may mangyayaring masama o maganda? Ah basta, di ko ma-explain!

After ng mga ilang minuto ay biglang may pumasok sa videokehan kaya't naman nilingon ko ito. At nagulat na lang ako nung napagkamalan ko kung sino ito,si John.

Agad ko namang nilingon si Jenna, at ayun nakita ko shang ngumiti ng nakakaloko and she mouthed 'good luck' sabay thumbs up sakin.

So iyun,pala plano niya? Ahhgrr, alam kasi niyang may crush ako kay John!

Binaling ko naman pabalik ang tingin ko kay John na kadadating pa lamang na ngayon ay naglalakad na patungo sa direksyon ko at umupo sa upuang katabi nung sakin.

Pasimpleng kinuha ko naman ang cellphone kong Iphone 5 na regalo sakin ni mama para naman di ako mailang at madistracted sa kanya..

In short, I'm trying to look busy.

Dumaan ang ilang minuto at ang tanging nararamdam ko ay butterflies sa tiyan, mabilis na tibok ng puso at nerveousness..

Huhuhuhu,sino ba naman kasing hindi?!

Ang awkward ng atmospera,hanggang sa naramdaman ko na lang na kinulbit niya ako at ayun parang may kuryente na something akong naramdaman.Kaya't nilingon ko naman sha.

"A-ano?"

"Bago phone mo?" tanong niya,tumango lang ako habang nakatingin sa ibang direksiyon

"Pahiram ako ha?" tanong niya ulit,and tumango nanaman ako

Hanggang sa hiniram na niya ang phone ko.Nakita ko nga sa peripheral view ko na binuksan niya ang notes na application tsaka nagtype ng kung ano-ano. Gusto ko nga sanang tingnan kung ano sinulat niya kaso, nahihiya ako.

Di kalaunan, sinauli na niya cellphone ko at kinuha ko naman ito.

Pero nabigla ako ng may makita ako sa may notes na may nakasulat na..

I like you. Please go out on a date with me.

Agad namang uminit pisngi ko at nahihiya ko shang nilingon "A-ahh--ahh,,ehh..uhhh.."

"So is it a yes?"

Ewan ko ba kung anong espiritu ang sumanib sakin at bigla na lang akong tumango at sinabing "Yes.."

End

Notes (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon