Unang araw ako'y kinakabahan,
Bilasang-bilasa sa pupuntahan,
Walang kaalam-alam sa paroroonan,
At sa mundong aking ginagalawan.Walang makausap,
Oras ko'y mag isang nilalasap,
Tanging sumusulyap-sulyap,
Sa mga taong panay ang pakikipag usap,Nais makipag kaibigan subalit,
Nangangambang lumapit,
Sa bawat kilos ako'y natatakot,
Baka sila'y magalit,Nagmumukmok sa isang sulok,
Mistulang basurang nabubulok,
Nais ko sanang sumubok,
At lagpasan itong pagsubok.Ngunit inunahan ng kaba,
Ako'y nag iisa,
Tiniis ang pagkauhaw at gutom na nadarama,
Para sa aking mga nais makuha.Kinabukasan pagmulat ng mata,
Ako'y may mga bagong nakilala,
Nakipag usap sa kanila,
Nakipag kaibigan at kinilala ang bawat isa.Ngunit may nangingibabaw sa kanila,
Isang babaeng hindi pa gaanong kilala,
Nakipag kaibigan sa kanya,
Nakipag usap ng walang kasawa-sawa.Siya'y nais makita,
Kahit sya'y nasa malayo pa,
Sya'y nais makasama,
Kahit di pa nagkikita.Hinintay mga araw at linggo,
Naghanda sa aming pagtatagpo,
Inaasam na oras ay huminto,
At mahawakan ang kamay mo.Dumating ang araw na aking hinihintay,
Nagkukumahog at hindi nagpapalumbay,
Masaya't kinakabahan kahit ako'y nasa bahay,
Nakahanda na sa aking paglalakbay.Ika'y naisa matanaw,
Kahit ako'y nagkaligaw-ligaw,
Kahit mataas ang sikat ng araw,
Dahil ito ang hinihintay kong araw.Ako'y nabigla,
Namangha,
Hindi makapaniwala,
Sa aking nakikita.Ang aking inaaasam na makita,
Ay nasa harapan ko na,
Gusto kong tumalon sa tuwa,
Ngunit siya'y may mga kasama.Madami kami at nag sama-sama,
Sa aming paglalakbay habang kami'y magkasama,
Sabay kaming lumibot ng magkasama,
Masayang masaya sa aming pagkikita.Sa iyo'y umaaligid,
Kay daming lalakeng nakapaligid,
Matatamis na salita nila sayo'y ipinapabatid,
Iniisip ko na lamang na ako'y isang manhid.Nagseselos ng walang karapatan,
Nagtatampong walang patutunguhan,
Ako'y natatakot ng mawalan,
Natatakot ng masaktan.Kinakausap sa mga pagkakataong magkasama tayo,
Ngunit kay daming istorbo,
Inaagawan ako sa oras mo,
Oras na inaasam-asam ko.Ninanamnam ang bawat oras ko,
Sa mga oras na magkasama tayo,
Na ikaw lang at ako,
Dahil wala na akong kahati sa oras mo.Hindi magsasawang mahalin ka,
Oras oras sasabihang mahal kita,
Kahit ako'y binabatukan na,
At kahit ako'y sinasampal mo na,Sa mga panahong ika'y nahihirapan,
Mga problema mo'y pinagaan,
Karamay sa lahat ng pagkakataon,
Hindi kita iiwan.Mga sinabi mo'y sinunod ko,
Sa mga bagay na gusto mo,
Mga pagkain na nais mo,
Daig pa ang nagdadalang tao.Kahit bulsa ko'y butas na,
Para ika'y makitang nasaya,
Pera'y mapapalitan pa,
Ngunit ngiti mo'y hindi na.Mga pangarap natin, Magkasamang tutuparin,
Ano mang pagsubok ating haharapin,
Upang maabot mga mithiin.( ILOVEYOUUSOOOMUCH PIKACHU💞💞💞😘😘😘😍 )