Prologue
Dunwood University, 9:00 a.m.
Tumunog na ang bell ng Dunwood University, hudyat na magsisimula na ang klase nila. Nagpuntahan na ang ibang mag-aaral sa kani-kanilang mga silid aralan maliban sa limang magkakaibigan na sina Cassadee, Amber, Zico, Chase at Zelo.
Palagi silang lumiliban sa kani-kanilang mga klase kahit kailan man nila gustuhin. Wala silang pakialam kung ano man ang maaaring gawin sa kanila ng mga guro nila oras na mahuli silang pakalat-kalat sa schoool grounds sa oras ng klase. Wala silang sinusunod na mga batas ng paaralan dahil ang tanging mahalaga lang sa kanila ay ang sarili nilang kaligayahan.
Pang-ilang paaralan na ang Dunwood University na pinasukan nilang lima. Ilang beses na kasi silang nakick out sa mga pinasukan nilang paaralan dahil sa mga ugali nila.
Imbis na sa silid-aralan sila nagtungo ngayon ay magkakasama silang magkakaibigan sa ilalim ng puno sa likod ng paaralan kung saan palagi sila tumatambay at nagpapalipas ng oras.
"It's so eew talaga sa school na to. I really wanna go shopping na!" Maarteng sabi ni Cassadee habang naglalagay na pulang lipstick. Natawa na lang sa kanya ang mga kaibigan niya dahil sa kaconyohan niya.
Si Cassadee Montenegro ay mula sa mayamang angkan kaya naman lahat ng gustuhin niya, nakukuha niya. Napakabait at masunurin na bata noon ni Cassadee pero nagbago ang lahat simula nang mamatay ang mommy niya. Buong buhay niya, sinisisi niya ang tatay niya sa pagkamatay nito. Kung hindi sana nagawang mambabae ng tatay niya, malaman ay masaya pa rin sila at buhay pa rin ang mommy niya.
Whoa, here comes the bitch!" Sabi naman ni Amber at tumigil sa pagdrawing sa notebook niya. Napangisi ito nang makita ang presidente ng Dunwood University na si Mr. Eli Zamora. Umiling iling lang ito sa kanila kaya inirapan niya lang ito.
Si Amber Rosales naman ay mula naman sa may-kayang pamilya pero humiwalay siya sa mga ito dahil hindi na niya kaya pang tagalan ang mga magulang niyang walang ibang ginawa kundi ang mag-away. Gustuhin man niyang mabuo muli ang pamilya niya, alam niyang hinding-hindi na ito mangyayari pa.
"Sabi na nga ba at dito ko lang kayo makikita. Hay nako! Ano na bang gagawin ko sa inyong mga bata kayo?" Sabi ni Mr. Zamora nang makalapit ito sa kanila. Ginawa na niya ang lahat para lang mapatino ang mga ito pero walang nangyayari kaya naman naisipan niyang gawin ang matagal na niyang dapat gawin.
"E di wag mo na lang kaming pakialaman." Inis na sabi ni Zelo at ibinuga ang usok ng sigarilyo sa mukha ni Mr. Zamora kaya natawa na lang ang mga kaibigan niya.
Walang kinagisnang mga magulang si Zero Angelo Gonzales o mas kilalang Zelo dahil bata pa lang siya at iniwan na lang siya ng mga magulang niya sa tapat ng isang bahay. Mabuti na lang at hindi nagdalawang isip ang matandang babaeng nakakita sa kanya na ampunin siya. Mabait at mapagmahal na bata si Zelo pero dumating sa puntong nagbago din ang ugali niya nang kunin siya ng mga magulang niya at ginawang alila. Tinakasan niya ang mga ito at bumalik sa babaeng nagpalaki sa kanya.
"Come with me." Seryosong sabi ni Mr. Zamora sa kanila.
"Pupunta na naman ba kami sa detention dahil sa suot namin?" Inis naman na tanong ni Zico na kanina pa nananahimik. Pare-pareho kasi silang hindi nakasuot ng mga tamang uniporme. Kung anong gusto nila, yun dapat ang masusunod. Marami ngang mag-aaral ng Dunwood University ang gustong tumulad sa kanila pero wala namang naglalakas ng loob na gumaya sa kanila.
Si Ziggy Collins Delos Reyes o Zico. Naulila siya noong bata pa lamang siya sa mismong araw ng pasko at kaarawan niya. Naiwan siya sa pinsan niyang si Darren na ilang taon ang tanda sa kanya. Dahil sa palaging wala ito para magtrabaho, nabarkada si Zico at doon niya nakilala sina Zelo, Cassadee, Chase at Amber.
Hindi na sinagot ni Mr. Zamora ang tanong ni Zico at tumalikod na. Nagkibit balikat na lang ang magkakaibigan at sumunod na lang kay Mr. Zamora na papunta sa opisina niya. Pagkadating na pagkadating nila doon ay may iniabot ito na papel sa kanila.
"Wala kaming panahon para sa kalokohan mo. Kaya pwede ba, tanda? Tigilan mo na kami. Kung i-eexpel mo kami, gawin mo na!" Inis na sabi ni Chase kay Mr. Zamora at ibinato sa pagmumuka nito ang papel na iniabot kanina saka lumabas ng opisina.
Si Chase Anthony Rivera ang pinakamatanda sa kanilang magkakaibigan. Mula siya sa isang mayamang pamilya. Isang responsableng mag-aaral si Chase sa dati niyang paaralan at laking gulat na lang ng marami ang biglang pagbabago nito at iyon ay dahil sa mga magulang niya na walang ibang ginawa kundi ang magpayaman ng magpayaman hanggang sa mawalan na sila ng oras para sa kanya.
"Bloodwood Academy? Cool ha?" Nakangiting sabi ni Zico habang binabasa ang mga nakasulat sa papel na ibinigay ni Mr. Zamora.
"Tara na nga. Sayang oras natin dyan sa matandang hukluban na yan eh." Sabi ni Zelo sabay akbay sa girlfriend nitong si Amber at sumunod na kay Chase.
Dumiretso na sila sa classroom nila pagkalabas nila ng opisina ni Mr. Zamora. Walang anu-ano ay bigla na lang silang pumasok isa-isa sa loob ng klase sa kalagitnaan ng pagtuturo ng guro nila.
"Very nice of you to join us." Sarkastikong sabi ng guro sa kanila. Inirapan lang siya ng mga ito at nagtuluy-tuloy na sa upuan nila na nasa pinakalikurang bahagi ng classroom.
"Saan ba yung Bloodwood University na yon?" Tanong ni Zelo sa kanilang apat.
"Bloodwood? Hmmm... Baka naman sa impyerno." Sagot ni Amber sa kanya at nag-high five sila ni Cassadee kaya inirapan lang sila ni Zelo at nagsindi na naman ng panibagong sigarilyo.
"Hayaan niyo na nga yang Bloodwood Academy na yan. Kahit saan naman tayo mapadpad, wala silang mapapala sa atin. Kung anong gusto natin, yun ang masusunod." Wala pa ring emosyon na saad ni Chase at yumuko na lang sa desk niya para matulog.
*
Limang magkakaibigan na may iba't ibang ugali.
Isang misteryosong paaralan.
Ano kayang mangyayari sa kanila?
May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy?
"The remedy is worse than the disease..."
--------------------------------------------------------------------------
Bloodwood Academy ©2013 All Rights Reserved
YOU ARE READING
Bloodwood Academy: Behave Or Die
Mystery / ThrillerBloodwood Academy #1: Behave Or Die Limang magkakaibigan. Isang misteryosong paaralan. Ano kayang mangyayari sa kanila? May pagbabago bang magaganap sa kanila sa pananatili nila sa Bloodwood Academy? "The remedy is worse than the disease..."