I worked the whole night dito sa harap ng computer. 2am na ako nakarating sa apartment at tulog na si Mariell sa kwarto kaya dinala ko na lang dito sa sala lahat ng gamit ko. Sinimulan ko kaagad ang pag upload ng pictures sa laptop at agad na sinimulan ang pag e-edit. Ni hindi sumagi sa isip ko ang pagbibihis o ang pagkain. Sa tono pa lang kasi ni Miss. Minchin kanina sa event, alam ko na ang kalalagyan ko pag hindi ko ito nagawa ng maayos.
Nakatira ako ngayon dito sa apartment sa Makati ka-share ang highschool friend kong si Mariell. Isa syang nurse sya sa Makati Medical Center. Nung umalis papuntang Singapore ang kapatid ko na syang may ari nitong apartment, niyaya ko si Mariell na maki-share na lang sakin. Tutal solo ko din naman ito at last ngayon may kahati na din ako sa mga bills. Malawak naman ang unit. May isang kwarto, toilet, sala at kitchen. Share kami ni Mariell sa room na may dalawang single beds. Napagdesisyunan namin na magbukod ng higaan dahil ayon sa kanya, para daw akong martial artist kung matulog. Panay daw ang sipa ang suntok ko. Ay ewan, malay ko ba eh tulog nga di ba?
Browse browse lang ako ng mga pictures. Pinili ko ang mga mapapakinabangan at tinanggal yung mga pangparami lang. may mahigit 300 pictures ata ang laman ng camera ko kanina. Mga models, designers, socialites.. Sila-sila na naman. Kung tutuusin, sila din yung mga parehong mukha na nakikita ko sa ibang social gatherings. Nakakumay na yung mga mukha nila.. Penge nga atchara!
Nangangalahati na ako sa pag e-edit nang mapatigil ang pag-click ko sa group picture kanina. Yung picture nung tv host kasama sila senator at yung foreigner. Aiyeee! Si pogi!!! Nag-zoom ako ng page para mas makita ng malapitan ang mukha nya. Nawala ang lahat ng antok sa katawan ko habang tinititigan sya. Sino nga kaya sya? Sa totoo lang, sa ilang taon ko na ng pagiging photographer sa mga ganung event, sya lang talaga yung nagmarka ng ganito sa akin. Para bang hini-hipnotize ako nung smile nya. Para syang yung mga bidang Prince Charming pag nagde-daydream ako na ako daw si cinderella o si Snow White! Yun bang pag pina-describe sayo sa slumbook yung dream guy mo eh sya yung swak na example!
Ehh, medyo desperada na ba yung sound ko? Heeepp, di naman sa kiriray ako, natutuwa lang talaga ako sa mga ganitong itsura. Yun bang mga mukhang drawing na nabuhay. Ehehehe.. As a photographer, field ko kasi ang portraits saka random na street shots. Kaya naman tuwing may nakikita akong mga ganitong itsura ng subject, thrilled talaga ako. Ganun talaga ang mga tulad kong artists.
At dahil dyan, isasama ko syempre ang picture na ito sa mga ipi-print ko bukas sa office. Sayang, kung di lang ako naharang ng boss ko kagabi e di sana mas madami pa akong shots na nakuha. Kasalukuyan akong nakapangalumbaba sa harap ng laptop ko nang biglang may lumapag na coffee mug sa side table.
"Ay ang gwapo! Ano yan model?"
"Ay, anak ka ng kabayo!"
Mula sa may balikat ko, bigla na lang sumulpot yung ulo ni Mariell na may hawak pang isang coffee mug habang inilapag naman nya yung isa sa side table ko.
"Langya ka naman Mariella. Papatayin mo ko sa gulat!"
"Eh kanina pa kaya ako paikot ikot dito sa bahay. Tulaley ka dyan sa pic na yan!!"
"Ah, ganun ba? Eh alam mo na, pantanggal stress lang. Naka red alert na naman ako ay Madam sa office. Kailangan ko matapos ang editings para bukas. Anong oras na ba?"
Naupo sya sa sofa na kaharap ng working table ko habang humihigop ng kape.
"5am na. Morning shift ako today kaya maaga ako gumising."
"5am na?"
Ganon na pala ako katagal dito sa sala. Di ko na nga siguro namanlayan ang oras dahil pre-occupied na ko sa ginagawa ko. Humigop na din ako nung dinala nyang kape.
BINABASA MO ANG
PICTURE PERFECT!
Romance"I am cursed! I am so dead!" Aspiring photographer Leandra Alcantara’s life was going from a nightmare to a real life horror! One, she is on the brink of loosing her job. Two, she is getting crazy broke! Then suddenly luck came on her side... When...