Naalala pa nung unang araw na umuwi ako ng probinsya. Wala akong kakilala, wala akong kausap kahit na isa sa mga pinsan ko.
Lagi akong nakaupo sa isang tabi, hindi naman ako nag-e-emo pero nanonood ako sa inyo. Natutuwa ako kasi kahit di ko kayo nakakalaro, nagagawa ko paring tumawa. Dahil yun sa inyo, dahil yun sa mga pinaggagawa niyo
Isang araw, nakita kita na parang matamlay at wala sa mood makipaglaro. Lumapit ako sayo "Uyy, Bakit hindi ka ata nakikipaglaro sa kanila?" Poker face mo lang akong tiningnan, sabi ko sa sarili ko napakasunget naman ng lalakeng to. Pero di ako nagpatinag.
Ayaw kong magtaray ngayon kasi first time ko palang dito sa probinsya. Kaya imbes na iwan kita at pabayaan doon, hindi padin ako umalis. Patuloy parin kitang kinulit. Hanggang sa wakas kinausap mo na din ako kahit na puro kasungitan lang ang pinapakita mo
Kinabukasan, nandoon ka na naman ulit. Favorite spot mo ata yun. Nilapitan ulit kita "nandito ka na naman ba ulit kasi naiinis ka sa kanila?" Tiningnan mo ako at nakita ko nagliwanag ang mukha mo.
Sabi mo pa sakin "buti naman nandito ka na may makakalaro na ako"
Nagulat ako, kasi di naman tayo ganun ka-close tapos kahapon lang sinusungitan mo ko, ngayon naman gusto mo akong makalaro "anong nangyari say? Bakit gusto mo ata akong makalaro ngayon?"
Agad mo namang sagot "ayoko na silang kalaro. Inaasar nila ako sayo, naiinis ako"
"Bakit naman? Ano bang inaasar nila sayo?"
"Sabi kasi nila simula daw nung dumating ka dito, di na daw ako nakikipaglaro sa kanila. Di naman yun totoo, sadyang nagkataon lang na wala ako sa mood maglaro kahapon tapos sinabayan pa nila ng panf-aasar kaya ayan lalo akong naasar sa kanila"
"Asar-talo ka pala eh. Dapat pinabayaan mo na lang. Pero sige, wala din naman akong kalaro. Tara laro tayong taya-tayaan dito sa puno"
"Seryoso ka? Baka magkasugat ka? Laking maynila ka pa naman"
"Ano ka ba? Ayos lang yan!" Hindi ka na nagre-act kasi hinila na kita patayo at aad kitang tinaya.
YOU ARE READING
I Will LOVE You Forever
Short StoryI Believe In The Word "LOVE" When You Feel Something Inside You And You Can't Explain It, You Now Experience Love. But When You Are Happy With Someone And You Want To Be With Him/Her For The Rest Of Your Life. It Is "True Love"