Pain

8 0 0
                                    

   Buti ka pa tulog na, samantalang ako eto gising na gising parin? Bakit? Kasi hanggang ngayon, hindi padin ako makapaniwala na dinedma mo na naman ako..

   Magkaaway tayo diba, at hindi tayo okey ngayon. Pero pano mo nakakayang matulog na hindi tayo nagkakaayos? Pano mo nakukuhang matulog na ganto tayo?

   Ganun na ba talaga ako, walang kwenta sayo?

   Naalala mo pa ba dati? Aaw na ayaw mong natutulog tayo na hindi man lang naaayos yung away natin? Naaalala mo pa ba dati na halos magpuyat ka para lang makausap ako at maayos tayo, kasi diba wala kang pantawag lagi. Puro pantext lang, kaya inaantay mo pa dumating yung tatay mo. Kahit dis-oras ng gabi aantayin mo siya, makausap mo lang ako.

   Naaalala mo pa ba dati, na sobra mo akong suyuin kasi natatakot na galit ako sayo. Natatakot ka kasi iniisip mo na baka iwan kita. Naaalala mo pa ba lahat yun? Tandang-tanda mo pa lahag ng mga effort na ginagawa mo?

   Bakit ngayon? Parang nagbago na lang lahat na parang bula.. Na ayos na sayo kahit matulog tayo ng hindi nagkakaayos. Katulad na lang ngayon..

   Ilang beses na kasi tong nangyayari. Kinausap na kita about dito, pero ang sabi mo sakin "ayaw ko na lang kausapin ka kasi alam ko magagalit ka lang lalo" sakit isipin na, yan na yung nasa isip mo.

   Nakalimutan mo ba na, naglalambing lang ako sayo. Na gusto ko suyuin mo ko, kasi ramdam na ramdam kong mahal na mahal mo ko..

   Sabi mo sakin noon "matakot ka kapag wala na akong time sayo, dun ka mag-isip na hindi na kita mahal" eto na ba yun? Eto na ba yung sinabi mo sakin noon?

    Please naman, pakisabi lang kung di mo na ako mahal. Kasi ang sakit, ang sakit sakit na.. Ilang beses na ako nag-expect na baka tumawag ka. O kaya magtext tapos susuyuin mo na ulit ako.

   Kaso kahit isang beses, wala. Ni text at tawag galing sayo, wala akong natatanggap.

   Napagod ka na ba sakin? Ayaw mo na ba sakin? Sawa ka na ba talaga sa ugali ko? Nahihirapan ka na bang pakibagayan ako?

   Nagbago naman ako diba? Sa tuwing nakakaramdam ako ng inis, dinadaan ko na lang sa tawa. Sa tuwing nagagalit na ako, hihinga na lang ako ng malalim tapos sasabihin ko sa sarili ko na relax. Nagawa ko naman diba? Kasi yun yung sabi mo, yun yung gusto mo?

  Bat ngayon parang nabalewala lang yung ginawa ko? Ngayon lang ulit ako naglit diba? Ngayon lang ulit, bat ganto na naman?

  Sabi mo sakin, hindi mo na hahayaan na masaktan ulit ako. Kasi sabi mo, yun yung dahilan kung bakit ako biglang nagiging ganun.. Sabi mo din sakin, ibalik ko yung dating ako. Yung ako na napakahaba ng pasensya, yung ako na binabalewala lahat kahit masakit na, yung nagtitimpi wag lang tayo mag-away.

   Nagawa ko naman diba? Pero bakit sa isang pagkakamali ko lang ngayon, nasaktan na naman ako?,

   Aware ka ba na takot na akong maramdaman yung gantong klase ng sakit? Kasi ang hirap, ang hirap huminga. Ang hirap mag-adjust.

   Aware ka pa ba talaga sa nararamdam ko? Kasi sa tingin ko, hindi. Dahil kung talagang aware ka, hinding-hindi mo hahayaan na matapos ang gabi natin na hindi tayo naaayos.

   Dahil kung talagang aware ka, hinding-hindi mo makakalimutan lahat ng mga sinabi mo sakin noon..

   Dahil kung talagang aware ka, hinding-hindi mo ulit ako sasaktan

   Kasi alam mo, sa totoo lang
. Nakaka "trauma" yung sakit. Yung sakit sa puso ko. Dahil kahit ilang baldeng luha pa ang ilabas ko, hinding hindi parin nito mawawala ang sakit.

   Sana, alam mo na nasasaktan din ako. Na may hangganan din lahat para sakin.. Pero pangako kahit nasasaktan na ako, hinding-hindi padin kita iiwan kasi diba, ayaw mo na mawala ako sayo.. Hanggang ngayon ba? Ganun padin ang nararamdaman mo? Takot ka pa bang mawala ako sayo? Takot ka pa bang mawala ang isang Mary Rose Delos Santos sa buhay mo?

PainWhere stories live. Discover now