Shattered Dreams

1.5K 33 0
                                    


"Mga taksil! Taksil kayong lahat!" Hindi na niya alam kung ilang beses na niyang sinabi iyon. Pagod na pagod na siya. Kung puwede lang hilingin niyang lamunin siya ng lupa ay ginawa na niya kaysa ang makasama ang lalaking dahilan ng kanyang matinding kapighatian.

"Hinalikan ka niya, pumayag ka naman!" Matatalim ang titig na ipinukol niya sa asawang bagsak ang balikat. Nakasandal ang ulo nitong nakayuko sa magkabilang palad.

"Magsalita ka diyan!" sigaw niya sa asawang ayaw humarap sa kanya.

"Swan, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Vera. Tinulak ko siya when she kissed me. I never had any intentions of cheating on you...kahit iniwan mo na akong nag-iisa," akusa nito sa kanya. "Pero ikaw..." Hindi na nito tinapos ang sasabihin. May hinagis itong ilang bagay sa kanyang harapan. Bumagsak ang mga iyon sa kama kung saan sila naging intimate madala.

Ang cellphone niya at sulat ni Steve ang bumulaga sa kanya.

Halos tumigil ang kanyang paghinga. She trembled all over. Binasa niya ang message na naka-bukas.

"I am the right guy for you," mahinang wika ni Kyle na tila may bikig sa lalamunan habang nire-recite ang nakasulat sa may letter ni Steve. "I can't wait to kiss your soft red rose cheeks sa susunod nating pagkikita." This time the table was turned around. His eyes were like daggers, accusing her, stabbing her.

Nanlamig siyang bigla. Mas malamig pa sa isang iceberg dahil nakita niya ang picture nila ni Steve na nalaglag mula sa sulat.

A-ano itong nagawa ko! Parang umikot bigla ang kanyang paningin. Namutla na siya at pinagpawisan ng malamig. Parang sa isang iglap ay wala siyang makapitan...maski na ang Diyos ay parang napakalayo sa kanya ng mga oras na iyon.

"K-yle..."

"Swan, paano ka nagkaroon ng lakas ng loob na tawagin akong taksil?" angil nito. Klaro ang hapdi sa boses nito. She felt so terrible.

Pero pride pa rin ang nanaig sa kanyang puso sa halip na pagpapakumbaba, sa halip na pag-amin sa sariling kamalian.

"Kaya pala ganado kang pumunta sa program, kaklase mo pala si Vera," wika niya upang muling depensahan ang sarili. Handa na naman siyang makipag-away. Pero hindi nito tinapatan ang kanyang nais.

"Oo, estudyante si Vera sa program, pero sa grupo na kabilang sa hindi pa ikinakasal. I belong to a different group. Ang mga kasama namin sa demo ay hindi mga kaklase namin kundi mga old adults, mga edad 50 to 60...mga napiling assistant ng mga instructors namin, para walang malisya." Huminga ito ng malalim 'di mawari kung may patutunguhan ba ang mga pagpapaliwanag nito. "Minsan lang kaming nagkausap ng matagal ni Vera, doon sa may ice cream shop. Kahit naging client ko siya hindi ako nag-take advantage. Kahit hindi ko alam kung saan tutungo ang pagtanggap mo sa mga panunuyo ko. You can read my inbox if you don't believe me." Walang emosyon nitong wika. Hinagis nito sa harapan niya ang sariling cellhpone bilang patunay. Humarap ito muli sa kanya.

"Noong umalis ka, two weeks ko siyang nakasama, naging confidant. Nothing went beyond more than that dahil noong nangako ako sa altar na ikaw lang ang mamahalin, seryoso kong panata iyon sa Diyos at sa sarili ko." Nagpahid ito ng mga luha saka pumikit.

"Alam mo Swan, you really hurt me deep. Pinaratangan mo akong taksil, pero ni minsan ay 'di ko ginawa iyon sa iyo. Pero ikaw...hinayaan mo na lang ng ganoon-ganoon ang marriage natin, you abandoned it. And not only that...y-you you sought someone else." His accusation cut through her heart. A tear dropped.

Pakiramdam niya ay sinasakal siya ng mabibigat nitong mga salita kaya siya ay napaluha na rin.

Dapat manahimik na lang siya, mag-sorry kasi totoo naman. Pero mas nanaig ang kanyang emosyon, ang kanyang defense mechanisms.

"Kyle, pareho lang tayong nagkamali. How can I be sure na wala ka talagang naramdaman para kay Vera noong two weeks kayong nag-usap matapos kong lumisan?" angil niya rito.

"'Yan ang mahirap sa iyo Swan. Lahat ng sarili mong multo hinahagis mo pabalik sa akin!" defiant na ang mukha nito. "Hindi mo man lang matanggap na tunay ang pagmamahal ko sa iyo, samantalang ang pagmamahal mo sa akin, hindi!" His hands formed into fists. "Kahit ano pang sabihin mo Swan, you can't change the fact, that what I have said was true! Magmula noong nag-break up kami ni Vera sa kolehiyo at naging kasintahan na kita, nawalan na ako ng interes sa kanya." Hinawakan na siya nito sa magkabilang balikat. "Bakit mo ba ako pinagtutulakan sa kanya. Ikaw ang mahal ko at hindi siya!" emosyonal nitong wika habang niyuyugyog siya. Isang luha na naman ang kumawala sa mata nito.

Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin.

"Swan, sabihin na natin na totoo ang lahat ng ibinibintang mo sa akin. Sabihin na nating totoo na may gusto pa rin ako kay Vera noong hinalikan niya ako. Nare-realize mo bang that happened a long time ago...but that..." anito sabay turo sa picture nila ni Steve. "That had just happened two months before we met. Hindi puwedeng ikumpara ang dalawang pangyayari kahit ano pang sabihin mo. Tell me now, ano ngayon ang mas masakit?" bulyaw nito.

Haggard na haggard tingnan ang mukha ng kanyang kabiyak. And it was all her fault.

Nabasag na ang puso niyang nagpipilit maging bato.

"K-kyle...I'm s-so sorry...sorry sa mga nagawa ko..." hinagpis niya.

Damang-dama niya na totoo ang sinasabi nito. He wasn't lying. His love for her was pure. Nalilito lang siya dahil ang sarili niyang multo ang hinahagis niya pabalik rito. Gusto niyang sampalin ang sarili ng ilang beses dahil sa malaking pagkakamaling nagawa. Malay ba niyang magkakaroon ng malaking consequences ang ilang friendly dates nila ni Steve. Oo, nagustuhan niya si Steve, pero mababaw lang ang pagtingin niya rito, dahil pasimula pa lang ang kanyang nararamdaman para sa binata. It was not comparable to what she felt for Kyle, for her husband.

Natauhan siyang bigla sa mabigat na paghawak ni Kyle sa kanyang mga balikat. He had a blank stare.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo Swan? Yung totoo!" Nasasaktan na siya dahil sa higpit ng paghawak nito.

"Lokohan lang ba lahat ng pakikitungo mo sa akin, nitong tatlong buwan na nagkasama tayo? Kasi ako totoo lahat ng ipinakita ko sa iyo..." nagsisisi nitong wika.

"Kyle, I'm sorry! Please let me explain!" Niyakap niya ito ng mahigpit dahil baka maglaho itong bigla sa buhay niya. "Nagkagusto ako kay Steve dahil mabait siya, pero simpleng paghanga lang iyon. Hindi ko siya mahal dahil ikaw pa rin ang nasaisip ko. Nangangarap pa rin ako na babalikan mo ako balang araw."

Walang nangyari sa mga sinabi niya dahil tinulak siya nitong papalayo.

"It's too late," iling nito. "God, bakit ngayon lang ako tumalino!" sarkastiko nitong wika habang nakatingala. "I was so stupid!" angil nito na para bang sasapak na ng dingding. "Ba't mo ako ginawang tanga Swan. All along, si Steve pala ang nasaisip mo, sa tuwing kasama mo ako." Nanlumo na ito ng tuluyan.

"No! Nagkakamali ka Kyle!" mabilis niyang tanggi habang pilit na pinipigilan itong lumabas ng kuwarto.

Hindi na ito nagsalita pa. Sumarado ng malakas ang pinto ng kuwarto nila.

Ikaw ang dahilan kung bakit wasak ang marriage mo...noon at maging hanggang sa ngayon! Kundina ng kanyang utak. Oh God! Please help me! Hinawakan niya ang kanyang ulo, parang mabibiyak na kasi.


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon