"Tita, I'm sorry...I don't think I can bring Swan over there, even for just a short vacation 'coz something came up... Pero I promise pupunta ako sa chemotheraphy mo."
Natapos na ang kanilang pag-uusap.
Kaya talagang baguhin ng isang pagsubok ang taong matigas ang puso, naisip niya pagbaba ng telepono. Sayang nga lang at kinailangan pa ni tiya na magkaroon ng cancer upang magbago, isip niya sabay hilata sa kanyang higaan sa loob ng kanyang malaking bahay.
Ilang araw na siyang panay nakahilata. Ni hindi na siya nagpapalit ng damit. Ngayon lang siya tumayo dahil napatawag ang kanyang Tiya Lenny. May specific time kasi ito kung tumawag. Bukod doon wala na siyang ginagawa. Hinahayaan niya ring malipasan siya ng gutom. Kahit sa gabi hindi siya makatulog sa kaiisip sa kung anong nangyari sa pagitan nila ni Swan.
God, all my efforts were in vain! Punong-puno siya ng matinding pagsisisi. Ilang milyong beses na yata niyang naipahayag iyon. God, I don't understand your ways... Akala ko 'pag nag-aral ako ng Marriage Stability Program magiging maayos ang lahat. Ba't mo hinayaang magkaganito kami ni Swan? sumbat niya.
A reply came in the form of a flashback.
"Kapag ang tao kinakaharap na ang mga consequences ng nagawang pagkakasala sa loob ng marriage, ang Diyos ang automatikong sinisisi sa halip na ang sarili." Pahayag iyon ng kanilang matandang instructor na lalaki. Nanahimik siyang bigla.
Kung hindi siguro ako nagpabaya, naging busy sa business, baka hindi kami nagkaganito ni Swan. Siguro kung dinepensahan ko lang siya sa aking Tiya Lenny, hindi kami hahantong sa ganitong kalaking problema. Wala sanang Steve, walang Vera...just me and Swan. Naihilamos niya ang mukha sa sariling mga palad sa sobrang panghihinayang.
He was physically attractive and well-built before. But now deep inside he was sick and hurting. And it was manifesting through his health. Malalim na ang mga eyebags niya, 'di na rin siya nag-shi-shave at parang tumanda siya ng ilang taon bigla.
Mahirap pala kung ikaw lang ang nakikipaglaban para sa isang relasyon. Nakakapagod...
Oo pagod na siya. Pagod na siyang mang-amo, pagod na siyang magtiwala, pagod nang umasa pa para sa isa pang pagkakataon na magkabalikan sila ni Swan.
Pero sa kabila ng kapighatian, alam niyang inaabot pa rin siya ng Diyos. May natitira pa kahit na kaunting apoy sa kanyang pananampalataya na nagnanais na magkaayos silang muli. Naka-depende na lang sa kanya kung hanggang saan nais niyang palayain ang sarili na mapatawad ito.
'Di niya alam kung bakit binasa niya ang text message ni Swan kahapon. Nanghihingi ito ng tawad, gustong makipagkita sa kanya. Hindi niya iyon pinansin. Sampung araw na niyang ginagawa iyon. Hindi na nakakapanibago sa kanya. May karapatan naman siyang mag-react ng ganoon. Hindi siya bato o estatuwa upang hindi makaramdam ng galit.
Tumunog ang cellphone niya.
"Rose, bakit?"
"K-kyle...si...si S-swan..."
"Hi. Kumusta ka na?" Ang malamig na boses ni Kyle ang sumalubong kay Swan nang siya ay dumilat sa loob ng ospital. "Gusto mo bang kumain?"
There were insomnia marks under his eyes. Parang lumundo rin ang pisngi nito. His aura was gloomy, ni hindi umabot sa mga mata ang pagngiti nito. He looked like he had just went through a car wreck.
Nangasim bigla ang sikmura niya. Hindi kasi iyon ang nais niyang maramdaman kundi ang yakap ng asawa na magbibigay ng security muli sa kanilang pagsasama. Pero wala na ang lahat, wala nang pag-asa na maibalik ang isang bagay na nasira dahil sa kawalan ng pagtitiwala at selos.
Dahil sa iyo Swan! sigaw ng konsensya niya.
"Gusto mo bang kumain?" ulit nito.
Para siyang sinampal dahil sa tono nitong mala-robot. There was no concern in his voice and in his eyes.
Naisip niyang si Rose ang dahilan kung ba't ito naroon. Naibigay ni Kyle dati ang number nito at ng Tiya Lenny nito kay Rose. It was for emergency purposes, for such a time like this!
Ayon kay Rose tatlong araw na siyang nasa ospital at nagdedeliryo. Ayaw niyang ipaalam ni Rose ito kay Kyle dahil sa sobrang kahihiyan. Ang kaso, sa tatlong araw niyang pagdedeliryo panay "Kyle" ang sinasambit niya. Kaya no choice na si Rose, tinawagan na nito ang lalaki.
"W-wala naman silang pagkain na gusto ko," naiilang niyang tanggi, pero sa totoo lang gutom na gutom na talaga siya. Kaya rin siya bumagsak sa ospital ay dahil sa panay niyang pagpapalipas ng pagkain. Dahil sa mga nangyari, parang biglang nag-shut down kasi ang digestion niya.
"Puwede akong bumili sa labas," insist nito.
Nasaktan siya dahil ramdam niya na ayaw nitong magtagal sa kuwarto na kasama siya.
Ganoon ba katindi pa rin ang galit mo sa akin Kyle! Tatlong beses ko lang nakasama si Steve sa loob ng dalawang linggo! Ni hindi nga ako nagpahalik! Ba't parang ang laki-laki ng ginawa kong kasalanan! Pinigilan niya ang sariling humagulhol. Ayaw na niyang mag-self-pity. Naikuwento ni Rose sa kanya na alam na ni Kyle na hindi naman lumalim ang kanilang relasyon ni Steve. Ang kaso wala naman itong ginawa. Mukhang ayaw na talaga nitong makipagbalikan sa kanya.
Basta ang alam niya ang taong nagpapakumbaba at buong-loob na nanghingi ng tawad sa Diyos ay pinatawad na ng Diyos, 1 John 1:9. Buti pa ang Diyos nagpapatawad...
Sige pagbibigyan ko ang gusto mo, kung ayaw mo akong makita ok lang... talunan niyang pagsuko.
"Kyle gusto kong kumain ng paksiw na prito at buko juice na may watermelon."
"H-ha? May ganoon ba?" Saka naman napatingin ito sa kanyang flower bouquet na parang iniiwasan siyang tingnan. He became more irritated. Kung bakit ay 'di niya alam.
Dahil hindi niya nagustuhan ang reaksyon ng kaharap binalak niya itong pahirapan pa lalo. Pero nang makita niya ang damit nitong mali-mali ang butones biglang nagbago ang isip niya. Ngayon lang niya napansin na hindi pala ito nagsuklay. Parang kinurot ang sulok ng kanyang puso.
"'W-wag na lang..."
"Come on, Swan, you have to eat..." Sa pagtugon nito ngayon parang ibang emosyon ang nakita niya rito. Medyo lumambot kaya nabuhayan siya ng loob.
"'Yun talaga ang gusto kong kainin."
"Sige maghahanap ako. Just take a rest." Bumalik ulit ang malamig nitong tono. Bago ito tuluyang makalabas ng pinto nasulyapan niya ang isang bagay.
Magkaiba ang sapatos na suot niya!
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomansMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...