Hindi magkandaugaga ang mga make up artists sa pag aayos ng mga modelo. Anniversary kasi ng Victoria's Secrets. Ginaganap ito sa isang sikat na hotel dito sa Paris. Dinaluhan ito ng mga matataas na tao sa lipunan lalong lalo na sa larangan ng pagmomodelo. Pati mga artista ay naroroon para manood at makihalubilo.
Habang nasa dressing room ay kampante lang na nakikinig sa kanyang cellphone si Kiera. Sanay na siya sa ganitong mga kaganapan. In fact, 10 years na siya sa larangang ito at malaki ang pasasalamat niya rito. Parang kailan lang noong na discover siya nang isang agent at ngayon ay tumatayong manager slash assistant niya.
" 2 minutes! " sigaw ng production assistant. Nagsimula nang magsitayuan ang mga modelo at pumila na. Tumayo na rin si Kiera at isinuot na ang kanyang pakpak.Hindi nagtagal ay nagsimula na ang fashion show.
"It's showtime!"
YOU ARE READING
Loving A Firefighter
General FictionMeet Joseph Anthony Fajardo, isang makisig na bombero. Kiera Fantonial. Highest paid Supermodel of the world. Can love erupt in the middle of a blazing fire?