Chapter 1

23 2 2
                                    

*KRING! KRING! KRING! *

Ano ba to. Ang aga aga ang ingay-ingay. Sure ko yung kambal ko na naman ang nag set ng alarm ko. Or para inisin lang ako. Actually, i am not a morning person kasi. Kaya kung gusto mong makahinga pa ng maluwag, huwag mo akong isturbuhin sa tulog ko.

Pero joke lang yun ha? Pero seriouso ako dun. Kuha mo? Oh ito tae. Kainin mo. Wait, sorry pala. Sana di ko nalang pala sinabi yun nasusuka na ata ako.

While bumangon na ako, napansin ko si Chord na nakatago sa likod ng pintuan.

"Chord! I hate you! Gusto mo talaga akong magalit sayo no? Just mind your own business."
Sabi ko na naiinis na talaga ako.

Meet my twin, Chord Alexander Dela Rosa. Siya yung kontrabida sa buhay ko. Yung tipong gusto mo yung bagay na yun, pero bigla nalang niya kukunin yun. Pero okay lang yun, sanay naman ako diba? Hahaha hugot ating. In our school, varsity siya sa basketball. Sikat nga siya dun eh kasi maraming nagsasabi na gwapo siya. Eh di naman totoo yun eh. Joke lang. Pero kahit bully siya, na gusto niyang mapikon ako palagi, mahal ko parin siya kahit nandidiri na ako. Ew lang. Hahaha. Hindi paba ako nagpakilala?

Hi everyone! My name is Althea Alexandria Dela Rosa. Pangit ako, mataba at kinulang sa height. Pero baliktad pala yung nasabi ko? Eh shorry fo. Hahaha.

"You are my baby twinnie. Kaya hindi ako susunod sayo kasi ako parin ang mas nakakatanda. Wag feeler." Sabi niya with matching crossed arms.

"Bakla ka! Eh minuto lang naman ang gap natin eh! Isusumbong kita kay Mommy! Di porket mas bata pa ako sayo, hindi mo na ako rerespetuhin. At tsaka mukha kang matanda! Umalis kana sa kwarto ko! Alis!" Sabi ko sa kanya nang pinapaalis ko na siya sa kwarto ko. Eh itong kambal kong mokong, tunatawa lang. Ayaw magpaawat.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako para sa school.

"Anak! Andito na si Ryan! Bumaba kana at kumain para makaalis na kayo!" Sigaw ni Mommy sa baba. Aba't pinapaalis niya talaga ako? Hay naku.

Bumaba na ako at binati ako ng bestfriend ko ng isang mahigpit na mahigpit na mahigpit na yakap! Eh itong lalaking to para kahapon lang kami nag kita eh wagas makayakap daig pa niya si Papa Bear.

"Hi bestfriend! Kumusta? Kain ka na." Sabi niya na nakangiti na kita na gums niya. Hahaha.

"Wagas ka makayakap! Tsansing ka! Hindi ako makahinga ng maayos dahil sayo! Che! Diyan ka na nga!" Sabi ko sabay walk-out.

Meet my bestfriend, Ryan Manalo. Ang mayabang kong bestfriend. And mahilig siyang mag prank saakin. Especially when it comes to spiders. Yan kinatatakutan ko eh. Umiiyak nga ako nung isang umaga, nagising nalang ako nang katabi ko na ang isang tarantula. Hindi ko nga siya kinakausap for 1 week.

"Althea! Hindi kapa kumakain! Bumalik ka dito!" Sigaw ni mama sakin. Ba't ba sumisigaw si mommy eh hindi naman ako bingi?!

"No thanks, Mommy! Kumain na ako ng sandwich. I'll go na!" Sabi ko.

Lumabas na ako ng bahay para makatakas kay Ryan.

"Manong! Magandang umaga. Tara? Pakihatid po ako sa school." Pagmamadali kong pasok sa kotse.

"Magandang umaga rin Ma'am Althea." I gave him a dont-call-me-ma'am look. Agad naman niyang nagets. "Sorry po, Althea. Teka, ba't kaba nagmamadali?" Tanong ni Manong.

"Para makatakas ako kay Ryan." Sabi ko.

Umandar na yung kotse at ready nang umalis. Pero bigla nalang may pumasok sa kabilang pintuan sa kotse, ay putek naman oh!

Clash of HeartsWhere stories live. Discover now