Chapter 5

1 0 0
                                    

From: Pammy wammy

Kyah! Wait teka lang. Kyaaah! Kinikilig ako best! Basta kinikilig ako! Iniyaya ako ni Chris maggala. Pero parang date naman yun diba?

Received: 6:15 AM

To: Pammy Wammy

Oy! Congrats best! Mag ayos ka para mamangha sayo si Chris ha?

Sent ✔

Ilang araw ang nakalipas, naging malapit na si Pam at Chris sa isa't isa. Kaya nga every lunch, sasabay na siya saamin and naging close naman kami. Pariha sila ni Chord. Gustong mapikon ako palagi.

Sunday ngayon, kaya wala akong magawa dito kundi wala nga diba? Kakasabi ko lang. Naisipan kong pumunta kina Ryan.

Nag bike lang ako papuntang bahay nila kasi malapit lang naman eh. Eh sa tinamad akong maglakad.

Hindi ako kumatok sa bahay nila Ryan kasi sabi ni tita feel at home dapat ako dito at nakita kong nagluluto si Tita sa kusina kay lumapit ako sa kanya at nagbeso kami.

"Tita, si Ryan po?" Tanong ko kay Tita.

"Andun lang yun sa kwarto, Thea. Naglalaro na naman. Puntahan mo nga siya." Sabi ni Tita at pumunta ako sa kwarto niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan niya baka kasi salubungin na naman ako ni Rio ng yakap ng mukha.

Kasi noon, pagpasok ko sa kwarto ni Ryan, biglang tinapon ni Ryan si Rio papuntang mukha ko. Kaya ayun, nagalit ako sa kanya and didn't talked to him for like? 2 weeks? Eh kasi diyan ako pinakatakot eh. Lumingon ako kung saan-saan para makita si Rio na nasa bahay-bahayan niya. Napahinga ako ng malalim.

"Oh Althea, miss mo na ako agad? Or si Rio yung namiss mo? Teka lang, ilabas ko lang muna siya." Sabi niya saakin.

"Subukan mo lang. Babaliin ko lahat ng buto mo!" Sabi ko sa kanya.

"Sorry na! Nakalimutan ko pala na black-belter ka pala." Sabi niya saakin.

"Pero seriouso, anong ginagawa mo dito? Parang sa mukha, nababasa ko na." Sabi niya saakin.

"Sige nga. Ano naman yun?" Sabi ko sa kanya ng naka crossed arms at tinaasan siya ng kilay.

"Andito ka para sabihan akong gwapo? Tama ba?" Sabi niya saakin while he wiggled his eyebrows.

"Ang hangin beh. Labas tayo. Sundan natin si Pam at si Chris. Lalabas kasi sila ngayon." Sabi ko sa kanya while nag puppy eyes. Triny ko pa nga yung convincing powers ko. Bumunga siya ng hangin at napatingin sakin.

"Alam mo, nagseselos kalang. Huwag mo nga akong idamay, baka pati ako mapahamak diyan." Sabi niya at bumalik sa paglalaro.

"Sige na nga please. Diba partner in crime kita? Kaya sumama kana sa kalokohan ko." Sabi ko sa kanya at nagpout na naman this time.

"Sige na nga! Ang lakas mo sakin eh. Kung hindi lang talaga kita bestfriend at babae, kanina pa kita sinapak." Sabi niya saakin at tinignan ko lang siya ng masama.

"So ano, tara na?" Sabi ko sa kanya at nag ayos naman siya.

"Ah Althea, nakalimutan ko palang sabihin sayo na gagamitin natin motor ko. Kasi nasira yung kotse ni mommy at gagamitin niya yung saakin kasi may lakad siya mamaya. Okay lang ba?" Tanong niya at naghihintay sa sagot ko.

"Oo naman no! Ang sarap kaya sumakay sa motor lalo nang mahangin." Sabi ko sa kanya at hindi na siya nagsalita at ngumiti siya saakin.

------------

Clash of HeartsWhere stories live. Discover now