Chapter 4

2 0 0
                                    

Naglalakad-lakad lang ako sa hallway nang may biglang humila sa kamay ko papasok sa Janitor's closet. Putek! Sino bato?!

"Sira ulo kaba?! Ba't mo ba ako hinihila?! Ang fc mo! Nakakainis!" Sabi ko sa lalaking humila saakin. Hindi ko kasi makita ng maayos kasi napaka dilim dito. Nagulat ako nang bigla niyang inilagay yung finger niya sa lips ko.

"Shh! Wag ka ngang maingay! I'm trying to escape from the girls who are trying to chase me!" Hala. Mukhang kilala ko tong boses nato ha? Di kaya...

"C-chris?" Nauutal na naman ako. Ohmyghad. Lord, Thankyou! Swerte ko!

"Tsk. Yeah." Tipid niyang sagot saakin.

"Ba't pati ako hinila mo? Diba pwede namang ikaw lang ang magtago dito? Di naman ako kasali sa kanila." Nahihiya kong tanong sa kanya. Oo na! Ako na pabebe.

"Because u-uhm uh a-ano kasi eh.." Pinutol ko pagsasalita niya kasi parang alam ko na sasabihin niya.

"You're afraid of the dark?" Asar kong sabi sa kanya. At first, he denied it. But umamin rin naman siya.

"Ang isang Chris Warren Villanueva matatakot sa dilim? Akalain mo yun? Kahit pala ang gwapo mo, may katatakutan karin pala." Natatawa kong sabi. Sinabing ko bang gwapo siya? Wag kang magpahalata masyado Althea! Oh kung hindi, mabubuking ka!

"Diyan ka na nga." Sabi niya at nag walk-out.

"Mag ingat ka Chris! May moo-moo diyan!" Sigaw kong sabi sa kanya pero hindi niya na ako pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Lord, thankyou dun sa moment na yun. Kung sana lang pinahaba mo lang ng ilang minuto o kaya oras nalang Lord? Huhu.

Pumunta nalang akong library saglit para manghiram ng libro. Free time kasi namin ngayon kaya wala akong magawa.

Pagkatapos kong manghiram ng libro ay umupo muna ako saglit sa library. May umupo sa harapan ko at si Ryan lang pala.

"Bakit kaba andito? Na shock ako sayo ha. Parang first time lang kitang nakitang pumasok sa library." Bored kong sabi sa kanya.

"Ang harsh mo naman bestfriend! Nag-aaral kaya ako ng mabuti!" Sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin. "Okay fine. Minsan lang kasi nag vivideo games ako eh." I just rolled my eyes on him.

"Boring mong kausap." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy na sa pagbabasa ng libro.

"Althea, may sasabihin sana ako sayo." Bigla nalang siyang sumeryoso. Kinakabahan tuloy ako.

"Ano yun?" Tipid kong sagot.

"Bakit..........





































ANG GWAPO KO?"

Hinampas ko nalang sa kanya yung libro tsaka nag salita.

"Kumain kaba ng electricfan? Ang hangin mo kasi eh." Sabi ko sa kanya.

"Killjoy. Eh sa totoo naman yun eh. Hindi yun biro ha? Hindi ako nagsisinungaling." Sabi niya with matching big smile.

"Yabang. Oo nga pala, nasaan na si Pam?" Tanong ko sa kanya.

"I'm here." Sabi ni Pam at tsaka umupo sa tabi ko. Jackpot Althea ah? Timing sa pagtanong.

"Saan kaba nanggaling ha? Ba't parang pawis na pawis kana." Sabi ko sa kanya curiously.

"Hinila kasi ako ni Chris eh. Sabay kaming tumakbo at tsaka tumakas sa fans niya. Hays swerte ko naman pala. Yun na ata yung time na kumain ako ng butterflies at tsaka pumunta sa tiyan ko." Sabi niya. Napasimangot tuloy ako. Kala ko destiny na yun Lord? Huhu dumagdag pa si Pam sa mga kalaban ko. Hirap kalabanin yun eh. Nasa kanya na ang beauty and brain.

Clash of HeartsWhere stories live. Discover now