Naglalakad lakad kami ni Chord sa mall. Eh wala kaming magawa eh walang pasok kasi nag siseminar ang mga teachers namin kaya palagi nalang silang busy. Tsk hahaha!
"Thea, kanina pa natin nilibot ang buong mall eh ni kahit isang bagay wala kang nabili." Sabi niya at napakamot sa ulo.
"Pagod ka na ba twinnie? Halika, kain nalang muna tayo pagkatapos nating kumain, Laro tayo sa WOF." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Diyan kasi kami madalas mag bonding eh. Specially sa basketball, nag titeam-work kami para ma beat yung high score dun.
"Mang Inasal tayo?" Sabi niya while ako na naman ang tumango. Yan nga ang favorite naming dalawa eh. Sarap kainin ang manok ng hindi nakagamit ng tinidor o kutsara. Hindi nga kasi ako maarte eh.
Pumunta na kaming Mang Inasal at tsaka kumain ng kumain. Eh itong si Chord hindi nagpaawat nag extra rice nga kaya gumaya nalang ako para enjoy. Oh diba?
"Takaw mo Alexandria!" Sabi ni Chord.
"Eh! Parihas lang naman tayo eh! Apir nga Alexander!" Sabi niya at nag apir naman kami. Para kaming bata. Nakakatuwa.
Pagkatapos kumain, pumunta na kaming WOF para maglaro ng kung anu-ano. Pagdating namin doon, sakto lang. Hindi marami ang narito. Kaya okay to!
"So ano? Game?" Sabi niya tapos tumango naman ako at ngumiti ng malawak.
"Basketball muna tayo. Magkalaban tayo. Okay?" Sabi ko sa kanya confidently kahit alam ko namang matatalo niya ako. Eh varsity yan eh? Paano ko matatalo yan?!
"Aba yabang ah! Sige ba! Ang talo libre for 1 week. Game?" Sabi niya and i just smirked at him. Sht naman putek oh! Bawiin ko nalang kaya?
"Hindi mona pwedeng bawiin. Kasi nga a deal is a deal. Gets?" Sabi ni Chord. Teka, nababasa niya ang nasa isip ko?!
"At kung kala mo mind reader ako, mali ka. Eh may pabulong-bulong ka naman eh rinig na rinig ko nga eh! Tanga mo!" Pinitik niya noo ko. Sakit nun ah. Para fair, binalik ko kaagad yung pitik. Ayan, okay na.
Ilang minuto ang nakalipas,
TALO AKO T.T
"Bawiin ko nalang pala. Wala akong pera eh." Sabi ko sa kanya.
"Hoy babae! Ang daya mo! Hindi pwede yan! Isusumbong ko kay mommy yung ginawa mo!" Sabi niya sa akin at nagulat naman ako. Wag nalang pala.
Eh kasi naglalaro kami nun kay Chord eh tas napunta ang bola sa mamahaling vase ni Mommy at saktong sakto dumating si Mommy at sakto ring nadun si Yaya kaya si Yaya ang nabintang. Eh nakakatakot kasi si Mommy magalit eh, parang magkakaroon na ng World War III.
"Sabi ko nga ililibre kita! At please huwag mo nang banggitin yan. But one one condition, dapat kunin mo yung malaking teddy bear dun sa toy ano na kukunin sa ano? Ano tawag dun?" Sabi ko sa kanya while ginulo lang niya buhok ko.
"Puro ka ano! Hinahamon mo talaga ako ha? Si--" Hindi ko muna siya pinapatuloy sa pagsasalita kasi pinutol ko.
"Kapag inabot ka na ng panglimang try, wala na. Suko kana kasi hindi na kita ililibre. Okay Twinnie?" I wiggled my eyebrows at him and he did the same way.
"Ako pa! Magaling kaya ako diyan. Baka nga ako pinakamagaling diyan sa buong mundo." Sabi niya with a smirk plastered on his face.
"I don't even know why i have a crazy twin." I said. Boring niya.
"But you still love me anyway." Sabi niya saakin.
"Yeah right. Kunin muna. Start na!" Sabi ko.
YOU ARE READING
Clash of Hearts
De TodoWill she choose the boy who loved her since her childhood? Or will she choose the boy who whom she love or her first love? Did she picked the right path? The right way? Well, let's see and find out then.