After naming mag P.E wala na kaming ginawa. Kasi wala si Ma'am Cruz ngayon eh kasi may dengue daw. Kawawa naman si ma'am.
Si Ryan? Wala dito kasi hindi ko alam kung saan nagpunta yung mokong na yun.
Si Chord? Ayun, palaging busy sa pagpapractice sa basketball.
Si Pam? May ipinapagawa sa kanya ni Sir Perez.
Kaya kami lang ni Chris ang andito sa magbabarkada namin. Hindi kasi siya busy andun lang siya sa upuan niya nakikinig ng music. Paano ko nalaman? Eh kasi nakalagay ang earphones niya sa tenga niya.
Wala akong magawa kundi ang tignan siya at idrawing siya. Hindi niyo ba alam? Magaling kaya ako mag drawing! Hindi sa nagmamayabang ha, talagang honest lang lola niyo sabay wink.
"Anong drinawing mo?" Ano ba naman to oh! Nanggugulat! Tinignan ko kung sino, at bigla kong tinago yung drawing ko eh kasi si Chris yung kumausap sakin eh!
"H-ha? W-wala! Bumalik ka na nga sa upuan mo!" Sabi ko sa kanya at napakamot siya kanyang ulo.
ANG GWAPO NIYA. PROMISE!
"Bored ako. Tara sa Canteen? Ginugutom ako eh." Cool niyang sabi saakin. Iniyaya niya akong lumabas! Sa room T.T Hindi naman ako nagpakipot at agad naman akong umoo.
Habang naglalakad kami, biglang niya akong tinanong.
"Althea, kailan nga birthday mo?" Bigla niyang tanong sakin.
"Next month. October 15. Bakit mo natanong?" Sabi ko sa kanya.
"Wala lang. Kapag birthday mo na, ilang taon ka na rin?" Ang dami niyang tanong! Pero okay lang. Seize the moment!
"16 na rin ako!" Sigaw ko sa kanya at biglang napatalon. Pero pinitik lang niya noo ko. Aray!
"Ba't kaba natutuwa? Eh sa tumatanda kana eh!" Insulto niyang sabi. Aray naman. Galing pa talaga sayo yun ah.
"NANG IINSULTO KABA?!" Sigaw kong sabi sa kanya kinurot yung tenga niya. Kaya napasigaw naman siya.
"Aray Althea! Ano na naman ginawa ko?!" Sabi niya saakin at namumula na yung tenga niya. Pfft! Hahahaha! Natutuwa ako sa mukha niya. Promise!
"Wala! Sabi ko pumunta na tayong canteen! Diba gutom ka?" Sabi ko sa kanya sabay turo sa canteen at nagtungo nalang kami dun.
"Anong gusto mong kainin? Libre kona." Sabi niya at kinuha niya wallet niya at ipinakita ang ilang 1000 ang magkatabi-tabi!
"Tsk. Ganyan talaga pag Rich kid, ilang zeros makikita mo sa wallet mo." Sabi ko sa kanya at umiling pero ngumiti lang siya.
"Shut up. Ano nga sayo? Sige ka, baka magbago isip ko. Masarap pa naman kapag libre." Sabi niya at nag whistle.
"Okay fine. Ikaw na bahala. Dun nalang ako sa table nayon. Hintayin kita." Sabi ko at tumango naman siya.
Alam mo? Minsan nagiguilty ako. Kasi parang gusto kong kunin yung kaligayahan ng bestfriend ko para lang sa aking sarili. Parang basta! Di ko ma explain!
"Hoy babae! Sino ba kinakausap mo? Baliw ka na ba?" Grabi. Ganyan naba talaga kalakas boses ko na pati si Chris nakarinig.
"Hindi ako baliw! Baka ikaw."
"Tara na nga. Kumain na tayo." Sabi niya pero nang kukuha na sana siya ng fries, bigla kong pinigilan.
"Wait, picturan ko muna." Sabi ko sa kanya at he just rolled his eyes on me. Okay lang cute naman.
YOU ARE READING
Clash of Hearts
RandomWill she choose the boy who loved her since her childhood? Or will she choose the boy who whom she love or her first love? Did she picked the right path? The right way? Well, let's see and find out then.