Maaga kaming umalis ng bahay papuntang school kinaumagahan. Halos hindi pa magising si Luna pero dahil nandiyan si Gray, naging madali ang pag iyak ng bunso nilang kapatid. Binantaan kasi nito na palalakarin na lang niya si Luna kapag hindi pa nagising. Walang awa.
Paakyat kami ng hagdan papuntang second floor ni Brice ng makita kong nakasandal sa terrace si Ul. Panigurado naghahanap na naman ng hihingan ng pangalan.
Nang makita niya akong papalapit ay bigla itong ngumiti.
Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na. Medyo napatalon pa si Brice sa gulat."Ano na namang kailangan mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"In-add kita sa facebook. Accept mo 'ko ha." Saad niya sabay kindat.
Napanganga sa amin si Brice.
"Ew! Hindi! Kahit sa buhay ko hindi kita ia-accept. Pwede ba Kuya, maghanap ka nalang ng ibang pwede mong mapagtripan."
Nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak sa kanyang dibdib na animo'y nasasaktan.
"Na kuya-zoned ako. Ouch."
I just rolled my eyes at dinaanan lang siya. Napalingon ako ng maramdamang walang Brice na nakasunod sa akin.
Kumunot ang aking noo ng makitang nakatunganga siya sa lalaki at si Ul ay nakatingin sa akin.
"Brice! Halika na." Sabi ko sabay kaway sa kanya.
"A-ah. Oo." Sagot niya at patakbong pumunta sa akin.
-------
"T-teka lang. 'Wag kang umalis. 'W-wag mo akong iiwan. Hindi ko kaya. Please. Please. Nagmamakaawa ako. Mahal na mahal kita. Please. Mahal na mahal.."
Naghahabulan ang aking mga luha sa pina-panood na movie sa laptop ni Brice. Hindi ko kasi dala yung akin, nabibigatan ako. Kanina ko pa pinipigilang umiyak kaso hindi ko na kinaya. Mag isa akong nasa sulok at singhot ng singhot. Ang iba naming kaklase ay kung saan na naman pumunta. Ang ibang nasa classroom naman ay may kanya-kanya ding gawain. May gumagawa ng case report, narrative, nag chichikahan.Walang pakialaman.
"Sorry for crying infront of you. It's just, I've never love a man before. Ikaw palang and yet ganito pa ang nangyari. If you don't really love me na, I'll let you go. Thank you for making me happy in just a small span of time. Thank you most especially for the friendship. Akala ko kasi talaga maghihintay ka since you promised. Hindi pala."
Kanina pa ako iyak ng iyak na parang tinutusok-tusok ang puso. I hated the guy for not waiting long enough!
Mag bestfriend silang dalawa. The guy courted the girl for 3 years but the girl always puts him down. Ayaw niya kasing masira ang friendship nila since she came from a broken family. I guess she's traumatized. Ayaw niyang mangyari iyon sa kanya.
And then the guy went abroad to work. When he went back, he brought a surprise with him. Iyon pala may fiancee na siya. His bestfriend, beg for his love. But he wasn't worthy.
"Sorry. Akala ko kasi kaya kong maghintay. Hindi pala."
Those were the words that was stucked in my mind. Ang sakit-sakit sa dibdib.
I paused the movie, exit it and shutted down the laptop. Ayaw ko na.
I went to the comfort room to fix my face. Medyo natagalan pa ako kasi I waited for my eyes to clear. Mabagal ang naging lakad ko pabalik sa classroom.
"I know I am ugly. But I can make you laugh."
Napahinto ako sa narinig at agad na hinanap kung sino ang nagsalita. Naks naman. Lakas maka movie line, ah. Napatawa ako ng mahina.